Huthutera ang tawag ng source namin sa isang beauty queen-actress (BQA).
Ang chika ng aming source ay sa isang mayamang politiko na kilala sa pagiging eligible bachelor nauugnay ngayon si BQA.
Mahusay raw mang-eklay ng yayamaning guys si BQA tapos ay nagegetlakan niya ang mga ito ng mga mamahaling bagay.
Grabe raw sa pagka-Bilmoko Girl si BQA kaya rich men ang tina-target nito para nasusunod ang kanyang luho.
Suwerte siya kay bachelor politician kung ito nga ang latest conquest niya dahil certified rich ang binatang politiko.
Taga-politics din ang huling nakarelasyon ni BQA, na may mga nagtaka kung bakit niya pinatulan dahil alangan sila kung pagbabasehan ang itsura nito.
Eh kasi nga raw ay hindi naman sa mukha tumitingin si BQA kundi sa pitaka ng dyodyowain niya.
Nakarelasyon din ni BQA ang isang actor-director at isang model-actor, pero hindi siya tumagal sa mga ito.
Waley naman kasing yaman ang dalawa para tustusan ang pabulosang lifestyle ni BQA.
PAK!!
***
Mylene ayaw bigyan ng anak si Jason Webb
Hindi naniniwala sa kasal si Mylene Dizon.
Magsi-6 years na sila ni Jason Webb at masaya sila nito, pero wala raw sa plano nila ang magpakasal.
“Hindi ako pangkasal, eh. Okey naman, ‘di ba? May problema ba tayo?” natatawang dayalog sa amin ni Mylene nang matsika namin sa “Sahaya” mediacon.
Sey ng magaling na aktres, ang daming beses na niyang ikinasal at ang dami na niyang naging asawa sa TV at sa pelikula, so okey na raw ‘yon.
“It’s not for me. It’s just not for me,” ang mariing linya ni Mylene patungkol sa kasal.
Katwiran niya, mas mahalaga ang love kesa sa isang piraso ng papel.
Itong kay Jason ang longest relationship ni Mylene. Hindi siya kinasal sa ama ng dalawang anak niya na si Paolo Paraiso, pero si Jason ay married sa ex nito. But he’s working on his annulment, sabi ni Mylene.
Maalaga ang isa sa nagustuhan niya sa guwapong basketball coach at dating basketball player. Hindi raw sila boring dahil nag-aaway din sila, so challenging ang relasyon nila and everyday is never the same.
Close daw kay Jason ang dalawang boys ni Mylene, pero hindi tatay levels. Si Paolo pa rin ‘yon.
May mga anak din si Jason sa dati nitong karelasyon kaya Brady Bunch daw sila. Magkakalapit ang mga edad ng mga bagets nila at magkakasundo raw ang mga ito.
Plano rin ba nila ni Jason na magka-baby?
“Hindi na, utang na loob! Sarado na ang factory! 44 na ako, isarado na natin ang factory,” bulalas ni Mylene.
“Ang mahal-mahal ng tuition at saka ayoko nang maghabol ng bata. Anak ng tipaklong naman! Itong body na ‘to, ang hirap ma-achieve nito!” hirit niya pa sabay tawa.
Nagbabalik-GMA si Mylene sa epic drama na “Sahaya” na pinagbibidahan ng BiGuel loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Si Mylene ay si Manisan, isang babaeng Badjaw na umibig sa lalaking tagalungsod na si Harold (Zoren Legaspi), na iniwan siya bago pa nito nalaman na magkakaanak sila.
Si Sahaya, na ginagampanan ni Bianca, ang anak nila. Nagustuhan ni Mylene ang concept nito na kakaiba sa lahat ng teleseryeng ginawa niya. Sa daming beses daw na naging nanay siya ay hindi pa siya gumanap ng ganitong role.
Aminado si Mylene na challenging ito para sa kanilang lahat dahil hindi madali ang “Sahaya.”
Nakatrabaho niya 4 years ago ang BiGuel sa “Once Upon a Kiss” na huli niyang project sa GMA. So, very familiar na raw siya sa dalawa.
Tila nag-hint si Mylene na nu’ng gawin nila before ang Kapuso seryeng “Once Upon a Kiss” ay magdyowa that time sina Bianca at Miguel kaya nasaksihan niya ang kaswitan ng dalawa.
Ngayong gabi na ang simula ng “Sahaya” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Kara Mia” kapalit ng “Onanay.”