tonite-no-thanks-cristy-fermin

MARAMI nang kuwento ng hiwalayan ng mga artista na ang dahilan ay ang kawalan ng pangarap ng lalaki at kabigatan ng katawan. Kilos nang kilos ang babae, tulog lang naman nang tulog ang lalaki, hanggang sa magsawa na ang babae.

Ano ba ang naganap sa relasyon ng isang male personality at sa anak ng isang pamosong pulitiko? Sa una ay parang hindi sila mabubuhay nang wala ang isa’t isa, singtamis ng pukyutan ang mga salitang itinatawid nila sa magkabila nilang tenga pero nagulat na lang tayo nang pumutok ang balitang hiwalay na pala sila.

Sabi ng isang source, “Nagsawa ang girl sa katamaran nu’ng guy. Palagi lang natutulog ‘yung lalaki, sa bedroom na siya hinahatiran ng pagkain ng maid, hanggang sa na­isip ng girl na mabigat pala siyang katuwang sa buhay.

“Binigyan na nga sila ng puhunan para sa business ng daddy ng girl, pero mabigat pa rin ang katawan ng guy, talagang tamad! Pinalayas siya ng girl, wala siyang nagawa!” ­impormasyon ng aming source.

Ganu’n din ang problema ng isang female personality sa mister niyang singer-actor, may kabigatan din ang katawan ng lalaki, ang babae lang ang kilos nang kilos at trabaho nang trabaho.

Kapareho din ‘yun ng hiwalayang nangyari sa pagitan ng isang sexy personality at sa karelasyon niyang modelo nu’n. Tamad din ang lalaki, nagsawa ang female personality, kaya babu!

At may bago na namang naghiwalay, isang female personality na may putong na korona sa ulo at isang aktor, walang third party sa kanilang break-up pero maraming nakikitang dahilan kung bakit ang mga taong close sa kanila.

Sabi ng aming source, “Mover ang girl, marami pa siyang pangarap, pero kabaligtaran niya naman ang male personality na parang kuntento na sa kung anumang meron siya ngayon.

“Hindi nga naman siya maggo-grow kapag ganu’n ang partner niya na walang

dreams, parang okey na lang sa kanya ang nand’yan. E, hindi ganu’n ang girl, kaya nagsawa rin siya,” kuwento ng aming source.

Willie binigyan ng 1M ang

actor-comedian

TOTOONG-totoo na hindi tayo hinuhusgahan sa ating mga sinasabi kundi sa kung ano ang laman ng ating puso. May mga salita tayong palyado, kasi nga ay hindi naman tayo perpekto, pero ang lahat ng ‘yun ay nababalewala dahil sa idinidiktang kabutihan ng ating puso.

Si Willie Revillame ang tinutukoy namin. Marami siyang labis at kakapusan kung ang mga salita niya ang ating pagbabasehan. Pero hindi natin nakikita ang kagandahan ng kanyang puso.

Siya ang nagmamay-ari ng pusong hindi na kailangan pang katukin. Mabilis siyang makaramdam. Nababasa niya ang sitwasyon. Susulatin namin ang ilang pagkakataon na puso niya ang umiral sa iba-ibang sitwasyon.

Nalagay sa isang matinding ha­mon ng buhay ang isang dancer-actor-comedian. Nakisimpatya sa kanya si Willie. Dinalaw siya sa ospital.

Bago umalis ang aktor-TV host ay meron siyang iniabot na tseke sa male personality na nanga­ngailangan ng lahat ng tulong na matatanggap nito nu’ng mga panahong ‘yun.

Ito mismo ang nagsabi sa kanyang mga kaibigan sa kanyang pagkawindang nang tingnan nito ang nakasulat sa tseke—isang milyon.

At marami pang ibang male personalities na sa amin dumaan ang paraan ng paglalapit kay Willie, milyunan din ang kanyang ibinigay, hala­gang wala nang bayaran at balikan.

Ang pinakahuli ay ang pagpanaw ng ­komedyanteng si Bentong. Mula nu’ng magkasakit na ang komedyante na nangailangan ng pang-araw-araw nitong gamot sa sakit na diabetes ay si Willie na ang buslong pinanggagali­ngan ng mga biyaya.

Hanggang sa kamatayan ay hindi niya binitiwan si Bentong, siya ang sumagot sa lahat-lahat ng pangangailangan ng pamilya, dasal lang ang maaaring ibalik ng pamilya ni Bentong sa kanyang kabutihan.

Palaging sinasabi ni Willie, “Aanhin ba natin ang pera, madadala ba natin ‘yun kapag namatay tayo? Kumportable ka lang kapag marami kang pera, pero iiwanan din nating lahat ‘yun kapag namaalam na tayo sa mundo.”
Busilak na puso.