Beauty Queen ipinalit kay Josh Duhamel kay Fergie

May bagong nagpapatibok na sa puso ng actor-model na si Josh Duhamel, matapos ang diborsyo nila ng kanyang asawa na si Fergie. Naispatan siyang ka-holding hands ang model-beuaty queen na si Audra Mari.

Hindi ito ang unang beses na nakitang magkasama ang dalawa. Nitong Oktubre, ay nakitang naglalampungan umano sila sa Toronto airport. Noong nagdaang Pasko, dumalo sila sa isang party sa Los Angeles.

Ayon sa source ng The Blast, kakaiba at masaya ang awra ni Josh sa piling ng bagong babae sa buhay n’ya.Walang duda dahil kahit na sino ay maiinlab sa ganda at kaseksihan ni Audra.

Si Audra ay kinoronahang Miss America noong 2016 at nagpursige sa kanyang career bilang TV host.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang proseso ng diborsyo ni Duhamel sa kanyang ex-wife na si Fergie. Walang taon din silang naging mag-asawa bago sila nag-divorce nitong May, 2019.

Nagtapos man ang kanilang relasyon, manantili pa rin amg kanilang suporta sa 6-anyos na anak na si Axl.

Saad ng kanilang Joint statement, “We are and will always be united in our support of each other and our family.” (Ronaline Avecilla)