tonite-pak-allan-dionesMukhang nag-move on na finally si Jolo Revilla kay Jodi Sta. Maria dahil tila may bago nang minamahal ang una.

Ang beauty queen na si Angelica Alita ang balitang nobya ngayon ni Jolo. 1st runner-up sa Binibining ­Pilipinas 2016 si Angelica, ka-batch ni Maxine Medina.

Hindi lang present si Angelica kundi kasama pa ito sa picture doon sa birthday dinner kamakailan ni Gab ­Revilla na anak ni Jolo.

As in part of the family ang peg ng dalaga at may, “I love you” pa itong comment kay Gab sa IG, na sinagot ni bagets ng, “Love you too.”

Medyo nagulat kami na sina Jolo at Angelica na dahil ang alam naming huling karelasyon ni Angelica ay ang anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares.

Break na pala ang dalawa, although may nakita pa ­kaming sweet post ni Brian sa IG na binabati ito.

After that ay wala nang post si Brian with her. Si Angelica ay mukhang ‘nalinis’ na ang kanyang IG at ang nakita lang naming pic nila ni Brian ay nu’ng manood sila ng premiere ng pelikulang “Larawan” (dated March 7, 2017) at hindi na naka-tag si Brian sa pic.

So ayun, moving forward na rin si girl at meron na siyang Jolo. From a Senator’s son to another (former) Senator’s son and current Vice Governor. PAK!!

May pa-IG Story si Jolo na naglalakad silang naka­akbay siya kay Angelica. Si girl ay wala pang post sa IG na magkasama sila, pero may mga pa-sweet emoji itong comment sa post ni Jolo.

Kahapon ay nag-DM kami kay Jolo kung girlfriend na ba niya ang nasabing beauty queen, pero tinitipa namin ay waley pa siyang sagot sa amin.

May mga natuwa na wala na talaga sina Jolo at Jodi, tapos ay ang ganda raw ng ipinalit ni Jolo sa aktres na matagal nitong nakarelasyon.

Hirit ng ibang netizen, kay Jodi pa rin sila. Hindi man beauty queen ay magaling at sikat na aktres, ulirang ina pa sa anak nitong si Thirdy.
***

Janice kontrabida kina Inah-Jake

Aminado si Janice de Belen sa kontrabida siya sa totoong buhay.

“Sa mga anak ko, oo naman. Ako ang number one kontrabida talaga,” sey ng batikang aktres, na kon­trabida ang role sa primetime teleserye ni Angel Locsin na “The General’s Daughter.”

So, ibig sabihin ba ay kontra siya kay Jake Vargas para sa anak niyang si Inah de Belen, ganern?

“Basta, kontrabida ako,” sagot sa amin ni Janice.

Dugtong niya agad, “Hindi naman. Hindi naman ako actually nakikialam sa lovelife ng mga anak ko.

“But you see, it’s like this: when you’re a parent, ang pinakaimportante sa ‘yo is ‘yung anak mo, hindi magbago.
“I mean, the person who she is with should be an inspiration, not a distraction. As long as maayos siya, maganda ang ginagawa niya and she’s able to concentrate on all the other things that she’s doing, walang problema.”
At maayos ba si Inah nga­yong nobyo nito si Jake?

Tila nag-ala­ngan si ­Janice sa isasagot niya sa amin, na parang may ibig sabihin.

Tapos ay nagdayalog siya ng, “Sigu­ro naman, siguro naman. Kasi, parang matagal naman na sila, eh.”
So, siguro lang, hindi siya sure?

“Siguro naman. Nanay pa rin ako. There will always be a kontrabida side to me. Normal ‘yon,” pakli niya.
Pero tanggap naman niya si Jake para kay Inah?

“Hindi ko naman maaawat ‘yan. Hindi nga ako naawat ng mga magulang ko, ako pa ang aawat, ‘di ba? Medyo hindi ako ano… medyo hindi ako puwedeng magkunwari.”

Kasi nga, dumaan din siya du’n, ‘di ba?

“Dumaan din ako du’n. Understanding. But of course, si­yempre kailangan mong pagsabihan, payuhan, paalala…
“Kasi, ‘yun lang naman ang magagawa ko, eh. I mean, they’re all adults, they’re all of age, everything else is their call. Ano lang ako: paalala, paalala, puro paalala.

“Pakialam kasi, medyo mahirap, eh,” sey ng magaling na aktres.

May mensahe ba siya para kay Jake Vargas?

“Ngayon talaga? Wala naman, wala naman. Baka sila ang may mensahe sa akin,” sambit ni Janice, sabay tawa.
Asawa ni Tirso Cruz III, na ama-amahan ni Angel, ang role ni Janice sa “The General’s Daughter” at nag-e-enjoy daw siya sa karakter niya na very bad.

Cute ‘yung hirit sa amin ni Janice na bago pa naging ‘General’s Daughter’ si Angel ay naging ‘Colonel’s ­Daughter’ na siya noon.

Col. Alicante kasi ang pangalan ng kanyang ama na ginampanan ng batikang aktor na si Dindo Fernando, sa hit soap opera noong araw kung saan sumikat si Janice na “Flordeluna.”