Kadalasan ay maraming ma­yayamang manliligaw ang isang beauty queen. Lalo na kapag nag-title ito sa malakihang beauty pageant.

Pero ibahin mo ang isang beauty queen na nag-title sa isang top 5 prestigious local pageant.

Ilang taon na after her reign, nakasalubong niya ang ilang press sa isang mall.

Maganda pa rin ang beauty queen. May kasama siyang ordinary-looking guy pero nagulat ang lahat nang ipakilala niya ito na kanyang boyfriend.

Ang sabi nga ng isang maha­derang reporter, mukha raw kargador ito. Malaki ang katawan, maitim, simple manamit at walang kaalaalahas. Naglalakad din lang ang dalawa at mukhang walang kotse si lalaki.

“Malamang boyfriend siya ni _____ (pangalan ng beauty queen) noong hindi pa siya beauty queen. Ganun naman ang ibang babae, napaka-loyal lalo na roon sa nakauna sa kanya. Sa halip na pumatol sa mga mayayaman na hindi naman niya kilala nang lubusan, might as well, mag-stick na lang siya sa matagal na niyang boyfriend,” pagtatanggol naman ng isang reporter.

Anyway, kahit simple lang ang buhay ni beauty queen sa piling ng kanyang boyfriend, mukhang maligaya naman siya. Palibhasa probinsyana ito hindi sanay sa luho.

Sino si beauty queen na mukhang kargador ang dyowa? Hmmm…. mamula-mula ang kanyang kutis, mala-birhen ang mukha, ‘di gaanong katangkaran at simpleng-simple lang manamit kapag walang event.