BEAUTY queen, in love sa jowang mashonda na at may mga anak pa.
Sa kuwento sa akin ng kapwa ko beauty titlist, marami na silang nagpapayo kay beauty queen na iwasan na ang boyfriend na mas matanda pa sa tatay nito.
Pero bulag, pipi at bingi si ate!
Mahal na mahal niya lalo na ang pitaka nito.
‘Yun naman pala, eh!
Kaya lang, natatakot ang mga kaibigan ni ate na baka mabukelya na siya at maeskandalo.
Dedma ang beauty queen.
Knows niya raw na mas mahal siya ng kanyang DOM na ibinibigay ang lahat-lahat ng gusto niya kaya sinusuklian niya ng tirik-matang romansa si lolo, este, tito pala.
Pati ‘yung dating boyfie niya ay naaawa na rin sa kanya, pero sadyang matigas ang ulo ni beauty queen.
Ginagawang Divisoria ni atey ang ibang bansa na hindi niya nagawa sa dating boyfriend.
Nagmamahalan daw sila ni DOM nang lubos, wagas at dalisay kaya dedma siya sa mga chizmis ng mga bading at dalahira sa parlor.
Chika pa ni talandi, kung ang mga magulang niya, hindi siya pinapakialaman… ibang tao pa na naiinggit lang sa kanya, lalo na sa bongga niyang car, credit cards, datung, bahay at namahaling alahas bag at shoes.
Hanggang kailan kaya ang kaligayahan ni ate?