TATAKBO ang bagong tanghal na Miss Philippines-Earth na si Karen Ibasco sa 2017 Manila Bay Clean-Up Run sa Linggo (Hulyo 23) nang 4:30 AM.
Kasama rito ang mga runner-up ni Karen, gayundin ang mga Reyna ng Aliwan mula 2014 hanggang 2017 na sina Steffi Rose Aberasturi, Stephanie Joy Abellanida, Cynthia Thomalla, at Marla Alforque.
Magtatanghal ang Go Girls at si Tanya Chinita ng 101.1 YesFM sa mini concert pagkatapos ng fun run, na layuning makalikom ng karagdagang pondo para sa paglilinis ng Manila Bay.
Hinihikayat ng iba pang mga deejay ng 90.7 Love Radio, 101.1 Yes FM at 96.3 Easy Rock ang publiko na suportahan ang mga proyektong naglalayong isalba ang ating mga ilog at karagatan .
Lalahok din dito ang mga running clubs, paaralan, corporate teams at iba’t ibang running enthusiasts bilang tulong sa kampanya.
Sa Linggo ng 2:00-7:00 AM, isasara ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula T.M. Kalaw hanggang Cuneta Astrodome, gayundin ang daan mula Roxas Boulevard patungong Diokno Road, at Seaside Boulevard mula Diokno hanggang Bayshore.