Bebot at 2 kelot swak sa buy-bust

Tatlong katao ­kabilang ang isang babae ang na­a­resto ng mga tauhan ng Parañaque City Police sa buy-bust operation kaha­pon sa naturang lungsod.

Kinilala ni Senior Supt. Jose Carumba, hepe ng Parañaque City Police ang mga naaresto na sina Jose Tan, alyas ‘Beyot’, 64, may-asawa; Billy Joe Mirasol, 28, walang-asawa; at Czarina Jane Bon, 25, pawang residente ng Purok 2, Silverio Compound, Brgy. San Isidro.

Ayon sa mga awtoridad, dakong ala-una ng hapon ng maaresto ang mga suspek sa tinutuluyang bahay.

Narekober sa kanila ang tatlong heat-sealed transparent plastic ­sachet na hinihinalang shabu, tape-sealed transparent plastic sachet ng shabu, sachet na may mga gamit na foil at buy-bust money­ na P200.00.