Patay ang isang babae matapos na ito ay pagsasaksakin at gilitan pa ng leeg ng kanyang nakainuman sa Barangay Sta. Ana, San Pablo City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jam Analyn Manzano, 36-anyos at residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon nang mag-inuman ang biktima at ang suspek na si Joel Asero, tubong Mondragon, Samar, ng magkaroon ang mga ito ng matinding pagtatalo.

Natutulog na umano ang biktima sa kanilang bahay nang biglang gilitan ng leeg at saksakin ni Asero na agad nitong ikinasawi.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek at ngayon ay nakadetine.