Bumula ang bibig ng isang babae at tuluyang nalagutan ng hininga, makaraang tumungga ng silver cleaner matapos makaalitan ang kanyang live-in partner sa Malabon City kamakalawa.
Hindi na nadala pa sa pinakamalapit na ospital si Hazel.
Kuwento ni Ken, pinsan ng biktima, huling nakitang buhay ang kanyang pinsan alas-dos nang hapon matapos manghiram sa kanya ng silver nitrate.
“Hindi ko pinahiram kasi kinukutuban ako na may gagawin hindi maganda si Hazel,” sambit ni Ken.
Bago umalis ang biktima, nagsabi ito sa pinsan ng “Kung ayaw mong magpahiram, bibili na lang ako.”
Dakong alas-singko nang hapon, nagtungo si Ken sa roof deck ng kanilang bahay upang kumuha ng mga damit at nang buksan nito ang pinto ay bumulaga sa kanya ang pinsan na nakahandusay sa sahig at bumubula ang bibig.
Sa imbestigasyon nina SPO1 Jherico Pascual at PO2 Joenel Claro, unang nakaaway ng biktima ang live-in partner batay sa kanilang palitan ng mensahe sa cellphone.
Ayon kay Ken, nitong nakaraang araw ay sinabihan daw siya ng pinsan na magpapakamatay dahil hindi na niya kaya ang problema sa kinakasama. (Orlan Linde)