Bebot natodas sa non-stop sex

Nasawi ang 32-anyos­ na babae sa Colombia matapos umano ang limang oras na walang patid na pakikipagtalik.

Batay sa ulat ng online news site ng The Sun, nakilala lang ang babae sa bansag na ‘The Beast’ na sumama umano ang pakiramdam habang nagtatalik sila ng hindi kinilalang partner.

Nakaramdam umano ng pagkahilo ang babae ngunit ipinagpatuloy pa rin ang kanilang love making, ngunit maya-maya pa ay nanginig na ito at inatake sa puso.

Humingi ng tulong ang sinasabing katalik ng babae pero dahil natagalan bago dumating ang mga rescuer kaya binalutan nito ng kumot ang walang malay na partner, isinakay sa taxi at dinala sa University Hospital of Valle.

Pero nang makara­ting umano ang dalawa sa ospital ay nabigo ang mga doktor na i-revive ang babae at idineklarang dead-on-arrival ito.

Nabatid sa ginawang­ imbes­tigasyon na bumatak muna ng droga ang dalawa bago nag-sex nang walang humpay.

Sinabi ng lalaki sa mga imbestigador na limang oras na silang nagtatalik at para mapa­haba ito ay tumira sila ng droga.

Iniimbestigahan na kung mayroong kaugnayan ang droga sa pagkamatay ng babae.