Bebot pasiklab kay idol Terrence Romeo

Isa si Gracie Reyes sa mga matatapang na kumasa sa hamon ni Philippine Basketball Association (PBA) star Terrence Romeo.

Sa Instagram story ni Gracie, gayang-gaya niya ang moves ng iniidolong San Miguel Beer combo guard habang suot din ang jersey ni TR7.

Nagpasimula ng ‘Terrence Romeo Moves Challenge’ ang prolific guard ng Beermen kung saan pipili siya ng 20 winners na mananalo ng Peak merchandise, grocery item at Arto Cee vitamin.

Ang pakulo ng ng 28-anyos, may taas na 5-10 Imus City native ang isa sa diskarte niya para makapagpasaya at makatulong sa ilang cage fans na apektado ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019.

Malalaman ang nga mananalo ngayong Sabado sa mga pipiliing video ng basketbolista, may ari na ng dalawang championship makaraang umakyat sa unang Asia’s play-for-pay hoop noong 2013. (Raymark Patriarca)