Bebot tinaniman ng 5 bala

gun-and-bullet

Tukoy na ng mga awtoridad ang pagkakaki­lanlan ng isang babaeng motorista na nasawi matapos tambangan ng hindi­ pa nakikilalang salarin sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Muntinlupa City Police nakilala ang biktimang si Maria Ronila dela Rosa,­ 36-anyos at naka­tira sa Agnos St., Barangay. ­Doña Josefa, Quezon City.

Base sa report, ayon­ sa kuwento ng security­ guard ng Southville 3-NHA na si Arturo ­Arguelles, alas-kwatro ng hapon (Set­yembre 3) binabagtas ng biktima ang Biazon Road, NHA Barangay Poblacion ng nasabing lungsod habang lulan ng kanyang kulay gray na Toyota­ ­Wigo na may plakang AAY 1501 nang dikitan ng kulay puting SUV na hindi na plakahan at pinaputukan ng limang beses ang una.

Nang masigurong napatay ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi ­mabatid na direksyon.

Nabatid naman mula sa kuha ng close circuit television (CCTV) ­ca­mera ng Barangay Poblacion na mula pa lamang sa tulay malapit sa isang Police Community Precinct ay nakabuntot na sa sasakyan ng biktima ang hindi naplakahan na SUV.