Patay ang isang babae makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bacood, Sta. Mesa, Maynila kamakalawa ng hatinggabi.
Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Melgin Marcelo, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-nuwebe nang mangyari ang krimen habang naglalakad ang biktima sa Lubiran St. at nang makarating ito sa kanto ng Cordillera Street ay may dumating na isang lalaki mula sa likuran at malapitan itong pinagbabaril.
Matapos na duguang humandusay ang biktima ay agad na tumakas ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril sa biktima dahil hindi naman ito nauugnay sa iligal na gawain.
Bakit walang ginagawang aksyon ang kapulisan laban sa mga RIT?