Patay ang isang babae nang burdahan ng saksak ng kanyang kasamang lalaki na nag-check-in sa isang motel sa Pasay City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktima at haggang ngayon ay ina­alam pa ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan nito, dahil wala itong identification card (ID). Nagtamo ito ng siyam na saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Inaalam din ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek, na kasama umano nitong nag-check-in.

Sa pagsisiyasat nina PO3s Mario Golondrina at Lorene Osias, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police naganap ang insidente sa loob ng Room 303 ng Rotonda Hotel sa Rotonda-EDSA ng naturang lungsod.

Sa pahayag nina Rustan Datugan at Ge­rald Pakig, kapwa kawani ng hotel, dakong alas-otso ng umaga nang mag-check-in ang babae na may kasamang lalaki.

Matapos ang tatlong oras, kumakatok si Datungan subalit walang sumasagot, dahilan upang kunin nito ang duplicate ng susi at buksan ang kuwarto hanggang sa tumambad ang duguang biktima.

2 Responses