Tuloy ang ratsada ng kambal na sina Maria Jeziela at Maria Nieza Viray, inihatid ang San Beda sa pang-anim na sunod na panalo sa gayunding dami ng laro sa bisa ng 21-19, 21-13 victory laban kina Czarina Pauline Orros at Cherilyn Jhan Sindayen ng Lyceum sa beachfront ng Subic Park Hotel kahapon.

Solo sa unahan ng 92nd NCAA women’s beach volleyball tournament, pero ­humihinga sa kanilang batok ang tandem nina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa ng San Sebastian (5-0).

Huling biktima ng Lady Stags sina Marjito Medalla at Maria ­Aurora Bianca Tripoli ng Perpetual 21-19, 21-18.

Ngayong araw ang inaabangang face off ng mga Viray at Soltones-Eroa tandem para desis­yunan ang agarang bibiyahe sa finals na may twice-to-beat edge.

Habol ng Lady Stags ang pang-apat na sunod na titulo sa torneo, wala pang naiuuwi sa Mendiola ang Red Spikers.

Sa men’s play, nau­una sa pulutong sina Jhonel Badua at Joeward Presnede ng Lyceum na perpekto sa pitong laro, kalahating laro sa likod nila ang tambalan ng magkapatid na Relan at Rey Taneo ng Perpetual ­(6-0).