Beda biyaheng quarters

Naibulsa ng San Beda ang isang slot sa quarterfinals matapos sakmalin ang 75-63 panalo kontra Letran kahapon sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup sa San Juan.

Kumana si Robert Bolick ng 17 points, nag-ambag si AC Soberano ng 10 points para sa Red Lions, pinoste ang malinis na anim na panalo.

Bumakas sina Arnaud Noah at Jomari Presbitero ng nine at eight points para sa Mendiola-based squad.

Samantala, buhay pa ang tsansa ng National U sa quarters sa bisa ng 104-88 panalo sa College of Saint Benilde.

Bumira si J-Jay Alejandro ng 25 points at nine rebounds para sa Bulldogs, sa 4-3 ay nasa fifth place ng Group B.

Nagtala si Matthew Johnson ng 21 points habang may 15 markers at 11 boards si Clement Leutcheu para sa Blazers (1-7).