Rarampa sa finals ng SM NBTC National High School Championship ang San Beda matapos patalsikin ang UAAP champion Far Eastern University-Diliman, 93-89, sa semifinals kahapon sa Mall of Asia Arena.

Kumana si Evan Nelle ng 20 points, nag-ambag sina Luke Sese at Prince Etrata ng 14 at 13 marĀ­kers para sa Red Cubs para hablutin ang unang upuan sa finals na magsisimula sa Miyerkules.

Pangatlong sunod na NBTC finals stint ito ng San Beda, haharapin nila sa finals ang Ateneo de Cebu na kinalos ang Mapua-Malayan, 81-75.

Nag-init ang mga kamay ng Red Cubs sa unang dalawang quarters matapos ilista ang 57% sa field kasama ang siyam na three-pointers para makuha ang manibela, 59-43, sa halftime.

Namuno sa opensa ng Baby Tamaraws si LJ Gonzales na may 21 points, may 16 markers at 11 rebounds si Kenji Roman.