Bedart-Ghani kokonekta sa Cignal

Muling babalik para sa 8th Philippine ­SuperLiga 2020 Grand Prix si reinforcement Yaasmeen ­Bedart-Ghani.

Kinumpirma ni coach Edgar Barroga na si 6-foot-3 Bedart-Ghani ang babandera para sa Cignal HD Spikers sa magbubukas sa buwang itong women’s volleyfest.

“‘Yun ‘yung nakuha namin since muhkang hindi na yata available si Erica (Wilson),” sambit ni coach Barroga Martes.

Naglaro na si Bedart-Ghani para sa United ­Volleyball Club na nabuwag na.
Makakasama naman ni Bedart-Ghani para sa HD Spikers ang dating teammate sa UVC na si setter Alohi-Robins Hardy.

Matapos ang fourth-place finish ng Cignal HD Spikers noong nakaraang taon sa Grand Prix, asam ngayon ng koponan na makasampa sa podium. (Janiel Abby Toralba)