Beer pinagpiyestahan ng KaTropa

Games ngayon: (MOA Arena)
4:30 p.m. — Rain or Shine vs. NLEX
6:45 p.m. — Meralco vs. Star

Duble-double jobs nina Mychal Lemar Ammons at William Jayson Castro ang isa sa naging panlango ng TNT KaTropa sa halos coast-to-coast victory kontra San Miguel Beer, 105-85, kagabi sa Petron Blaze Saturday ng PBA Governors’ Cup sa Batangas City Coliseum.

May 16 points at 13 assists si Castro at may 11 points at 11 rebounds si Ammons pa-second straight win karugtong ng 122-120 sa GlobalPort nu’ng Miyerkules. Lumayo sa pagsosolo sa tuktok ang TNTK sa overall 8-1 record.

Naka-18 markers pa si Ranidel de Ocampo sa KaTropa, 15 si Michael Madanlay at 13 si Troy Rosario. Sigu­rado na ang TNT sa twice-to-beat sa quarters na para sa top four teams sa pagrolyo nang 11-game eliminations.

Malayo sa porma ang defending champs Beermen, halatang hindi pa gamay ng marami ang Asian import na si Jordan national player Mahoud Abdeen, nakatapos ng nine points.

Tuloy ang dominasyon ng TNT sa SMB sa out of town games, kinontak ang pang-anim na sunod na pa­nalo sapul nu’ng 2008, at pang-walo sa siyam buhat nu’ng 2001. Ang 20-point loss ay third-worst loss pa ng Beer sa six conferences sa ilalim ni coach Leo Austria.

Naka-20 points at 13 rebounds si June Mar Fajardo sa SMB pero may 18 lang si Michael Singletary at ang 17 ni Alex Cabagnot ang naging back up.