Beermen, Bolts lalapit sa playoffs

STANDINGS
TEAMS        W L
TNT Katropa *6 0
Mahindra        5 2
Ginebra           5 2
San Miguel     4 2
Meralco          4 3
Rain or Shine 3 3
NLEX            3 3
Phoenix          2 4
GlobalPort      2 4
Alaska            2 4
Star                1 5
Blackwater    1 6
*Quarterfinalist

Games ngayon, Miyerkules: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. Meralco
7:00 p.m. — San Miguel Beer vs. Alaska

Lalapit ang defen­ding champion San Miguel Beer at Meralco sa mga inaasam na playoffs laban sa mga mapanganib na karibal, naghahabol din doong Alaska at NLEX sa krusyal na Oppo PBA Governors’ Cup elimi­nations doubleheader nga­yon sa Smart Araneta ­Coliseum.

Sasariwain ng mga protagonista sa korona sa tatlo sa huling limang kumperensya ng liga na fourth-running  SMB (4-2) at nasa triple-tie para sa eight place na Alaska (2-4) ang rivalry sa seven nightcap game.

Paparada naman ang nasa fifth spot na Meralco (4-3) at kabuhol sa sixth na NLEX (3-3) sa 4:15 p.m. curtainraiser.

Tanging pasok pa lang sa quarterfinals ang TNT KaTropa na may unbea­ten record na 6-0. Tapos ng 11 games, walo lang ang mga papasok sa next round, ang mga nasa upper half ay may twice-to-beat advantage sa fifth-eight placer teams.

Aligaga ang Beermen sa kalagayan ni import ­Arizona Reid na may Achilles injury sa right foot bukod pa ang sigalot niya kay coach Leo Austria na malamang ay na­ayos na ng management.

“I’m not going to play if I continue to play like this. It happens. Injuries are part of the sport and my Achilles (peksman) up,” ani Reid pagkaraan ng 92-98 defeat sa GlobalPort nu’ng Byernes.

Nakuha niya ang iniinda sa double overtime 111-105 win sa Ginebra nu’ng Agosto 14.

“I can’t really move the way I want to. I can’t get the lift on my jump shots. I get a lot of points in the post but I’m not right,” wika niya. “Of course there’s a big prospect (pagliban).

I’m not going to tear my body up. Yes I want to play, but I have to be smart and my foot is a major part and it’s my priority.”

Susundan ng Alaska ang 85-69 demolisyon sa Star nu’ng Sabado sa Panabo City kahit nasisi­lip na gagapang silang parang ahas.