Beermen, E-Painters parehong bigatin — Dickel

Beermen, E-Painters parehong bigatin — Dickel

Balik sa Finals pagkaraan ng dalawang taon ang TNT, unang bumiyahe sa PBA Commissioner’s Cup championship round at hihintayin na lang ang makakatuos sa mangi­ngibabaw sa kabilang serye ng semifinals.

San Miguel Beer o Rain or Shine?

Kahit sino, pero hinimay ni TNT active consultant Mark Dickel ang posibleng matchup.

Pareho giit niyang mahirap kalaban ang isa’t isa.

“Obviously, San Miguel have a lot of talent. They obviously have June Mar (Fajardo), (Chris) McCullough and a whole lot of guys who can score,” ani Dickel tapos ng 103-92 win sa Ginebra Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinipa ng TNT ang defending­ champions sa apat na laro.

“Rain or Shine, kind of grind it out. More of a defensive mentality, play similar to us,” dagdag ng New Zealander.

Pareho lang aniyang magbibigay ng problema sa KaTropa.

“To be honest, both of them will present us with problems,” panapos ni Dickel. “Until you know who you are going to play, you just have to sit back, look, and don’t really care who gets there.” (VE)