Beermen solb kay Terrence

Beermen solb kay Terrence

Si Terrence Romeo ang tatanggap ng Mr. Quality Minutes award sa 2019 PBA Press Corps Awards Night sa March 16 sa Novotel Manila sa Araneta City.

Swak si Romeo sa bago niyang role sa San Miguel Beer, sa una niyang season sa team ay sinusulit ang bawat tawag sa kanyang numero ni coach Leo Austria.

Malaking bagay ang tulong ni Romeo off the bench para sa Beermen.

Taliwas sa nakagawiang pagiging starter sa NorthPort at TNT noon, tinanggap ng three-time scoring champion ang bagong papel para tulungan ang Beermen sa kampeonato ng nagdaang Philippine at Commissioner’s Cups.

Si Romeo pa ang Finals MVP ng midseason ­conference.

Si CJ Perez ng Columbian Dyip naman ang babandera sa All-Rookie Team na kikilalanin ng sportswriters na regular na nagko-cover ng mga laro ng PBA.

Ang do-or-die showdown ng NorthPort at NLEX sa Governors’ Cup quarterfinals na ikinahon ng Batang Pier pagkatapos ng tatlong overtime periods ang Game of the Season sa affair na hatid ng Cignal TV.

Isa sa most-watched game ng nagdaang season ang Batang Pier-Road Warriors tussle, pumalo sa 1.5 million ang hits online. Pumangalawa ito sa 3.5 million views ng Game 2 ng Governors’ Cup Finals sa pagitan ng Ginebra at Meralco sa Lucena City. (VE)