Beki na komedyante-TV host ginawang negosyo ng basketbolista

Nagpapasalamat ang kampo ng isang ­sikat na komedyan­te-TV host dahil ipinag-adya siya sa isang kilalang atleta na halatado namang manggagamit lang sa ­kanya.

Grabe ang effort na ginawa ng player, talagang kinuha niya ang loob ng sikat na becki personality, namumuhunan talaga siya para mas malaki ang ma­ging tubo niya.

Kuwento ng aming source, “Totoo namang nenegosyohin lang niya ‘yung becki, e! Wala naman siyang puhunang love, business lang ‘yun para sa kanya, mabuti na lang at natuntog agad ‘yung becki habang maaga pa!

“Mabuti na lang at may mga nakausap na ­kasamahan niya ‘yung becki, nalaman niya ang mga pinaggagagawa nu’ng player, kaya babu na siya!” reaksiyon ng aming impormante.

At maganda ang timing ng karelasyon nga­yon ng sikat na komedyante, dumating ito sa panahong bakante ang puso ng becki, kaya agad itong naka-enter the dragon.

Patuloy ng aming source, “Napakalayo naman nitong guy na ito sa player na tinabla ni becki! Mahal niya talaga ang becki, ipinagsisigawan niya ‘yun sa buong mundo, hindi gaya nu’ng player na nagagalit kapag nababanggit ang name niya sa TV!

“Hindi raw dapat ganu’n, baka raw kasi sabihin ng mga kaibigan at kasamahan niya na namamakla siya! Pangit daw ‘yung ganu’ng image!

“Ang kapal-kapal ng mukha ng lalaking ‘yun! E, ano pa nga ba ang ginagawa niya? E, namamakla naman talaga siya, ang kapal!” pagtatapos ng aming impormante.

Magkaibigang aktor matumal ang raket sa matrona, bading

Tumawag si Actor A sa kanyang kaibigang si Actor B. pareho silang may ginagawang ­kababalaghan sa buhay. Puwede sila sa ­matrona at puwede rin naman sa becki.

Sabi ni Actor A, “Ano ba ito, malapit na ang Pasko, nganga pa rin ako! Ikaw, nakakaraket ka ba naman?”

Sagot ni Actor B, “Pareho lang tayo, pare, ­matumal talaga ngayon! Walang raket, walang ­kumokontak sa akin, as in wala, nganga rin ako!”

Nagbibirong sabi ni Actor A, “Mang-hold-up na lang kaya tayo ng bangko?” Sabi naman ni Actor B, “Patay tayo d’yan, madali tayong makikilala, nakabandera ang muka natin sa TV!”

Pareho kasi silang may serye, gabi-gabing nakabalandra ang mga mukha nila sa telebisyon, mabilis nga naman silang makikilala ng mga otoridad.
Ha! Ha! Ha! Ha!

Willie binago ang buhay
ni Hipon Girl

Maraming natutuwa sa magandang ­kapalaran ngayon ni Herlene Budol, mas kilala sa pangalang Hipon Girl, dahil ­palayo na nang palayo ang kanyang nararating.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang payak na kalahok sa game show ni Willie Revillame ay may nakalaan palang mga biyayang naghihintay sa kanya?
At hindi na siya isang hipon ngayon na katawan lang ang pahahalagahan at itatapon na ang ulo. Sa paglipas ng mga buwan ay nakikipagsabayan na siya sa kanyang mga co-hosts sa gandang kanyang-kanya lang.

May suntok sa puso ang minsang nasilip naming pag-uusap nila ni Willie, “Kumusta ka na ngayon? May mga naging pagbabago na ba sa buhay mo mula u’ng mapanood ka nila dito sa Wowowin?”

Simple lang pero mapusong sagot ni Hipon Girl, “Kuya, dati po, e, kilo-kilo lang kung bumili kami ng bigas, pero ngayon, sako na!”

Humalakhak si Willie, pero kilalang-kilala namin ang TV host, nagmarka sa kanya ang sinabi ng kanyang co-host.

At nu’ng minsan ngang nagkita kami ni Willie ay sinabi niya, “Magaling si Hipon Girl, may timing, maraming nagkakagusto sa kanya. Huwag lang sana siyang magbabago. Mabait ang bata. Humble!”

Ngayon ay marami na siyang tinatanggap na alok na umarte, magiging bahagi na siya ng isang serye, na may basbas naman ng kanyang Kuya Wil.

Walang mayhawak ng bukas, alam ng kapalaran kung sino ang kanyang sosorpresahin, maalagaan lang sanang mabuti ni Hipon Girl ang kanyang ­career para mas maraming-maraming biyaya pa ang dumating sa kanya.

Ang kanilang pamilya ang prayoridad ni Helene Budol, hindi niya sinasarili lang ang mga bunga ng magandang kapalaran niya ngayon, kaya saludo sa kanya si Willie Revillame.