ANG unang pares ng mamahaling sapatos ng isang sikat na PBA player ay nanggaling sa isang kilalang becking perso­nalidad. Natural, kapag tinanong ng isang becki ang lalaki kung ano ang kanyang shoe size ay ibang usapan na ‘yun, hindi naman tayo ipina­nganak kahapon.

“Kailangang magmano­ si ____(isang sikat na female personality) kay ____(ang pamosong becking personalidad), dahil mas nauna ‘yun kesa sa kanya!” biro ng marami.

Pero pangiti-ngiti lang ang becki, bakit pa nga naman siya magsasalita, samantalang napakara­ming kaibigan niya ang nakakaalam na minsan isang panahon ay nagsalo sila sa kaligayahan ng sikat na PBA player.

“Halos sa kanya na nakatira nu’n ‘yung basketball player, nagtatago pa nga siya nu’ng una kapag may mga friends ang becki na nagpupunta sa house niya, pero nu’ng bandang huli, hindi na milagro lang ang nakita ng mga friends ng becki, pati ang santo na!

“Ang mga becki talaga, ang gagaling! Ganu’n din ang kuwento nina ____ at ____(isang sikat na ko­medyante ay isang sikat na ring player ngayon), pa-bar-bar lang sila nu’ng una, hanggang sa maging sila na!

“Ang sikat na becki rin ang bumili ng mga mamahaling sapatos at iba pang branded stuff nu’ng guy, di ba? Pero magkaiba sina PBA Player­ A at PBA Player B. marunong lumingon sa nakaraan si PBA Player A, kinukumusta pa niya si becki personality hanggang ngayon.

“E, si PBA Player B, iwas na iwas na kay sikat na becki, umiinit ang ulo niya kapag may nagtatanong sa kanya kung totoo bang naging sila ng sikat na sikat nang becki ngayon. May amnesia lang ang peg?

Mapanukso talaga ang kapalaran. Ang dalawang becking sangkot sa kuwento ay may magkalaban pang programa sa tanghali ngayon.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Pacman unawain at ‘wag upakan

SANA naman ay magkaroon nang kahit kaun­ting pang-unawa ang mga umuupak ngayon kay Senador Manny Pacquiao dahil sa kanyang pagsasabing “Bayang Magiliw” at hindi “Lupang Hinirang” ang titulo ng ating national anthem.

Mali na kung sa mali, pero kailanman ay hindi nagpanggap ang Pambansang Kamao na alam niya ang lahat, paulit-ulit niyang sinasabi na marami pa siyang kailangang matutuhan.

Saka pass na ‘yun, sa laki naman ng karanga­lang ibinigay ng senador-boksingero sa ating bayan ay ipakadidiin pa ba natin ang kanyang kakapusan, paano naman ang pagsusulat niya nang ilang ulit sa pangalan ng ating ba­yan sa mapa ng mundo?

Nagkaroon ng karagdagang magandang imahe ang Pilipinas nang dahil kay Pacman. Sa ibang bansa nga, kapag sinabi mong Pilipino ka ay agad nang sasabihin ng kausap mong banyaga, “Oh, Manny Pacquiao! He’s a great boxer!”

Du’n man lang sana ay magkaroon na ng kunsiderasyon ang mga nangangalampag ngayon sa kanya sa social media. At tanggapin natin ang katotohanan na mas nakararaming Pinoy ang nakakaalam na “Bayang Magiliw” ang titulo ng ating national anthem at hindi “Lupang Hinirang.”

At hindi nag-iisa ang Pambansang Kamao. Nu’ng kantahin ni Christian Bautista ang ating pambansang awit sa isang okasyon ay nakalimutan nito ang mga ly­rics ng “Lupang Hinirang.”

Kung sana’y nagma­marunong ang Pambansang Kamao. Kung sana’y nagpapanggap siyang perpekto. Kung sana’y wala siyang karangalang ihinandog sa ating bayan.