Beki todas sa pangarap na boobs

Kamatayan ang na­ging resulta ng isang lalaki habang magpapabago sana sa pisikal na kaanyuan ang 31-anyos na beki matapos magpaturok ng collagen na pampalaki umano ng dibdib, kamakalawa sa Boracay.

Matapos ang limang oras na gamutan sa ospital, nasawi ang biktimang si Aldwin Esperanzilla, 31, ng Nara, Palawan at pansamantalang nakatira sa isang resort sa Brgy. Balabag, Boracay, Aklan.

Sa ulat ni SPO1 Rogelio Tiongson ng Malay Police, isinagawa ng suspek na si Dave Nacar alyas Marga ang pagturok ng collagen sa dibdib ni Esperanzilla, ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay agad itong nakaramdam ng matinding sakit kaya naman dinala na ng ilang staff ng resort ang biktima sa ospital.

Hinahanap na nga­yon ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.