Iba rin ang trip ng isang babading-bading na aktor (BBA) sa tuwing pumupunta ito sa bangko. Super-wear ito ng surgical mask na tipong ayaw nitong makilala siya ng fans.
Isang kaibigan kasi namin ang nakasabay ni BBA dahil pareho sila ng bank nito. Naintriga ang aming curious friend (CF) kung sino ‘yung guy na ‘yon na nakasuot ng mask, na natatakpan ang malaking bahagi ng mukha nito at mga mata lang nito ang nakikita.
May duda si CF na artista ang lalaking ‘yon, so mas na-curious siya kung sikat ba ito dahil pa-maskara-maskara pa ito na parang ayaw pagkaguluhan ng madlang people.
But the thing is, madalas sa bangko na ‘yon si CF at ang dami na niyang nakasabay doon na mga sikat at kilalang artista at personalidad pero wala ni isa sa kanila ang naglagay ng takip ng mukha.
Dahil kachika ni CF ang mga tagabangko, nagtanong-tanong siya roon tungkol kay ‘masked guy.’
Ang chika ng mga tagaroon, ganu’n daw talaga ang drama nu’ng lalaki na ‘yon, na nalaman ni CF na si BBA pala. Ugali raw nitong magsuot ng surgical mask tuwing pupunta roon para huwag itong makilala.
Hindi pa nakuntento si CF at inusisa pa niya ang kachika rin niyang bank manager. Kuwento ni bank manager, maging sila ay iritado kay BBA dahil nagkaroon na ito ng insidente noon sa nasabing bangko.
Ang chika ay hiningan daw minsan nu’ng teller ng bangko ng isa pang ID si BBA, na normal lang naman na nangyayari para mapatunayang siya nga ‘yon. Agad daw nagalit si BBA at kung ano-ano na ang pinagsasabi.
“Hindi mo ba ako kilala?” ang mataray daw na talak ni BBA sa pobreng teller na ginagawa lang naman ang trabaho nito.
Nang ipaliwanag ni teller na kailangan talaga ng isa pang ID, galit na tinawagan ni BBA ang manager nito, na agad namang sumugod sa nasabing bangko at gumawa rin ng eksena.
Tili ng manager ni BBA sa teller, “Hindi n’yo ba kilala ‘yan? Siya si ganyan-ganyan!” at kung ano-ano pang pagtataray, na ang ending ay ikinaiyak ng kawawang teller.
Ang nakakalokah ay hindi naman talaga kilala ng teller si BBA. Maging ‘yung bank manager ay hindi rin kilala si BBA kahit pa sinabi nu’ng manager nito na kilala itong artista.
Mula noon ay markado na sa bangko na ‘yon si BBA at hindi ito feel ng mga tagaroon dahil sa inasal nito. Feeling ng mga tagabangko na ‘yon ay isa ‘yon sa dahilan kaya palaging nagsusuot ng mask si BBA sa tuwing nagpupunta roon.
Ang hindi alam ni BBA ay wala na roon ang nakatalakan nitong teller, hindi lang malinaw kung may kinalaman ang insidente with BBA kung bakit wala na ito sa nasabing branch.
In all fairness ay kilala naman ng kaibigan naming si CF si BBA, pero hindi na siya nagtaka sa nangyaring insidente dahil alam niyang may pagka-feelingero talaga si BBA.
Aware din si CF na may naging isyu rin noon kay BBA sa ilang taga-showbiz na lumitaw ang totoong karakter nito.
Sey ni CF, hindi naman kasi porke nakagawa na ng pelikula si BBA at parte ito ng isang hit teleserye ay aasta na itong sikat siya at kilala siya ng lahat ng tao.
Hellerrr!! Ang totoo ay mas marami naman daw talaga ang hindi nakakakilala kay BBA, so huwag siyang mag-feeling na dudumugin siya o pagkakaguluhan siya sa bangko kaya kailangan niyang magsuot ng maskara.
Hirit pa ng kaibigan naming si CF, hindi naman kataka-taka ang ugaling ‘yon ni BBA dahil sa mismong pagkatao nito ay halatang confused ito.
Panay kasi ang sabi ng lalamya-lamyang si BBA na tunay na lalaki siya, pero mas marami ang naniniwala na berde ang dugo niya, ‘no!
“Guuuuuuuurl!!!! Beks na beks siya, in denial lang siya, ‘no!” buong ningning na tili ng malditang si CF.
‘Yun nah!! PAK!!