Bela, amang Briton nag-Pasko sa Thailand

tonite-pak-allan-dionesSa Bangkok, Thailand nag-Pasko si Bela Padilla kasama ang kanyang British father at dalawang clo­sest friend niya.

Sa Cuisine De Garden sila nag-Noche Buena at ang ganda ng caption ni Bela sa pic nilang mag-ama na pinost niya sa Twitter.

“What may be a traditional dinner for you was a first experience to me… in 27 years, its my first time to spend this holiday with my dad. So I took him out to dinner with 2 of my closest friends and I had moments where i was just quietly soaking it all in. It felt great,” tweet ni Bela.

Ang ganda ng pic ng mag-ama, na first time palang nag-Pasko na magkasama.

May mga half-sibling si Bela sa UK mula sa unang asawa ng kanyang amang Briton na si Cornelius Gary Sullivan.

Kahapon, kahit init na init sa Bangkok ay nag-floating market si Bela kasama ang close friend niyang si Rona Ofiana na girlfriend ni Boy 2 Quizon.

Kahit nasa bakasyon ay hindi nakaligtaang i-promote ni Bela sa social media ang MMFF entry na “Fantastica” na siya ang main kontrabida ni Vice Ganda.

As expected ay humahataw sa takilya ang “Fantastica” sa walong entries ng festival na nag-umpisa kahapon.
***

Rayver sabit sa bakasyon ni Janine sa Amerika

Nakapag-advance taping pala si Rayver Cruz ng Kapuso afternoon soap niya na “Asawa Ko, Karibal Ko” at pinayagan siyang makapag-holiday vacation sa Amerika.

Kasama ni Rayver sa US ang girlfie niyang si Janine Gutierrez na kasama roon ang mga kapatid nitong sina Jessica, Diego at Maxine, pati ang fadir nilang si Monching Gutierrez.

First time mag-Christmas vacay ng mag-aama sa Amerika at bongga na naka-join si Rayver sa lakad ng pamilya.

Nanood sila ng Lakers game sa Staples Center sa Los Angeles, na kahit talo ay sobrang saya ng Lakers fan na sina Diego at Janine.

Kahapon ay may pa-Switch It Up Challenge pa si Rayver, na sumayaw-sa­yaw ito sa may LACMA.

Ang cute ng ice skating bonding ng Gutierrez siblings na matumba-tumba ang mga ito habang nag-i-skate sa yelo.

Bago ang kanilang bakasyon ay naka-bonding muna nina Janine ang madir nilang si Lotlot de Leon sa kasal nito sa Batangas. Nandu’n din si Rayver, na parang parte na talaga ng pamilya ni Janine.