Bela, aprub kay Bea ang pagsasanib ng GANDA

Bela Padilla

PAGKATAPOS ng box- office­ success ng Camp Sawi, nag-decide ang Viva Films na i-distribute ang indie film ni Bela Padilla na entry sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

Ito ‘yung I America, nakatakdang ipalabas sa September 21.

Naikuwento ni Bela na posibleng magsama sila ni Bea Alonzo sa pelikula.

Magkamukha ang dalawa, napag-usapan nila minsan ni Bea na posible silang magsama sa isang project.

Pati si Angel Locsin ay kasama sa usapan.

May mga naisip na kuwento si Bela at nagustuhan ni Bea. Kaya magkakaroon sila ng meeting kay Malou Santos ng Star Cinema para pag-usapan ito.

Na-excite si Bela sa posibleng pagsasama nila ni Bea.

***

Bea Alonzo
Bea Alonzo

Proud si Bela sa partnership nila ng kasintahan niyang si Neil Arce dahil tuwing magkasama silang dalawa, ang dami nilang naiisip na kuwentong puwedeng isa-pelikula.

“Maganda ‘yung combination namin eh,” pakli ni Bela.

Kasama si Bela sa pagbuo ng 10,000 Hours ni Robin Padilla noon at ang pinaka-successful nitong Camp Sawi. Kaya gusto rin niyang ma-develop ang talent niya sa pagsusulat.

“Siguro, parang on the side ‘yung pagsusulat, ‘yung mga months na wala akong ginagawa. I can work on it.

“Pero parang gusto ko pang maging isang network executive,” natatatawang tsika ni Bela.

Okay ang relasyon nila ni Neil dahil pareho silang hilig ang manood ng sine.

Sa loob ng isang linggo ay nakakaapat na pelikula sila, na minsan ay nakadalawa sila sa loob ng isang araw. Movies talaga ang hilig nila at panonood ng sine ang bonding nila.