Bela, Arci, Maja nagbuyangyang sa Hawaii

Wapak ang mga pa-bikini ni Maja Salvador sa Hawaii.

Kahapon ginanap ang ‘ASAP in Honolulu’ sa Neal Blaisdell Arena at bago pa ang show ng grupo ay pa­nay na ang display ni Maja ng kanyang sexy body.

Pagdating pa lang nila ng mga kasama niyang Kapamilya stars ay nagtampisaw agad si Maja sa beach ng Honolulu na ang cute ng suot niyang swimsuit na may pasilip ng abs.

Kahapon ay inilantad ni Maja ang kanyang sexy curves habang nasa veranda ng kanyang hotel room.

Napa-comment tuloy si Sharon Cuneta ng, “Maja naman, eh! Hirap na hirap magpapayat, tapos magpu-post ka ng ganyan pose at suot mo! Guddye, world. Tatalon na ako sa balcony. Huhuhuhu. Hahahaha!”

Sagot dito ng dalaga, “Ms. Sharon, huwag po kayo talon. Gusto ko po kayo makatrabaho, LODI ko.”

Si Bela Padilla na nandu’n din sa Hawaii ay meron ding pa-swimsuit by the beach, pero strategic ang mga pose ni Bela at wala itong frontal shot na pinost sa IG na gaya ng kay Maja.

Hindi kasi mala-Maja ang kurbada ni Bela kaya parang medyo alangan itong ibuyangyang ang kanyang katawan.

Habang si Bela ay naka-skirt at may nakapatong pang polo sa suot nitong bra top, ang kasama niyang guys sa Waikiki Beach na sina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Sam Milby ay nakabilad ang mga pandesal sa init ng araw.

Si Arci Muñoz naman ay puwedeng makipag-bikini showdown kay Maja sa Hawaii. May ibang nag-post sa IG ng kanyang bikini photo.

Si Piolo Pascual ay agad nag-topless at nag-surfing sa beach pagda­ting pa lang nila roon.
Nag-fun shoot din ang ibang mga taga-‘ASAP’ sa Jurassic Valley sa Kualoa Ranch na pinagsyutingan ng ‘Jurassic Park’ at ‘Kong: Skull Island’.

Super-enjoy dito ang mga bagets sa pangu­nguna ng JoshLia, pero mukhang sobra ring nag-enjoy ang feeling millennial na si Ogie Alcasid.

John- Ai-Ai ‘labs’ ang tawagan

Ang salpukang Ai-Ai delas Alas at John Estrada ang magsasara sa 3rd season ng ‘Lip Sync Battle Philippines’ ngayong gabi.

‘Labs’ ang tawagan nina Ai-Ai at John, na ilang beses nagkatrabaho noon sa kabilang network. Natsismis pa noon ang dalawa.

Kaabang-abang ang mga biruan, asaran at harutan nila. Bale ito ang unang musical performance ng bagong Kapuso na si John at ang sabi niya ay ang tagal na niyang hindi ginagawa ito.

Siyempre ay hindi magiging madali ang laban dahil ayaw pakabog ng Come­dy Queen, na may inihandang one-of-a-kind performance.

Mapapanood ang pasabog na season finale ng ‘Lip Sync Battle Philippines’ mamayang gabi sa GMA.