Bela gustong ipa-quarantine

Ilang mga bitchy netizen ang gustong ipa-quarantine ang magaling na aktres na si Bela Padilla.

Noon daw kasing nagsisimula na ang coronavirus outbreak sa Korea ay nandoon ito .Busy siya sa shooting ng kanyang pelikulang Ultimate Oppa kasama ang Korean heartthrob na si Kim Gun-woo.

May ilan namang nabababawan sa hanash ng nasabing netizen lalo pa’t hindi naman daw lahat ng parte sa South Korea ay apektado ng naturang outbreak.

Natapos na ng aktres ang shoot ng nasabing romcom at trending ang ipinost niyang photo kasama ang isang oppa na kinunan sa Quezon City.

Isang K fan ang role ni Bela sa Ultimate Oppa na idinirehe ni Jade Castro.

Pagkatapos ng Miracle In Cell No. 7 at Ultimate Oppa, ginagawa rin ni Bela ang Pinoy adaptation ng Korean movie na Spellbound with Marco Gumabao as her partner. (Archie Liao)