Bela inabutan ng curfew

NI: VINIA VIVAR

Kahanga-hanga ang ipinakitang pagmamahal at pagtulong ni Bela Padilla sa kanyang mga kababayan. Nagsagawa ng fundraising ang aktres para sa mga street vendors na higit daw na maaapektuhan sa “enhanced community quarantine” ngayon sa Luzon.

Nakapag-raise si Bela ng Php3.3M para ibili ng food and supplies .Siya pa mismo ang nag-distribute kasama ang mga sundalo .Naka-post sa kanyang social media accounts ang lahat ng struggles niya para maibigay sa mga street vendors ang relief goods, mula sa pagpapa-pack hanggang sa pagsasakay ng mga good sa truck at hanggang sa mai-distribute ito.

Makikita mula umaga hanggang gabi ay nagtatrabaho si Bela kasama ang mga sundalo na dumating pa sa puntong sa EDSA sila nagrereload ng goods sa truck matapos maipamigay ang mga naunang laman nito.

Halos hindi sila kumakain para matapos lang ang pagdi-distribute. Caption niya sa isang post niya, “Last 2 stops makati and taguig. Send the Philippine army some love too if you can! our last meal as at around 1pm today but everyone’s smiling and even singing here in the bus I have a newfound respect for these beautiful souls!”

Hanggang sa hindi namamalayan ni Bela ay inabutan na sila ng curfew sa daan.

“Plot twist: inabutan ako ng curfew. Pano ko uuwi? Hahhaha,” tweet ni Bela.

Maraming nag-aalalang netizens sa kanya dahil dito but kinabukasan ng umaga ay nag-tweet din naman siya na nakauwi naman siya.

“I got home! Thank you for asking! I’m self isolating for a few days but so far, I feel great!” reply ni Bela sa isang netizen na nagtanong kung nakauwi na siya.

Katakot-takot na papuri ang ibinigay ng mga netizen kay Bela dahil sa kanyang selflessness na ipinakita sa panahon na ito ng krisis. Ang iba nga ay “our hero” ang tawag sa kanya. Komento pa ng iba, “beautiful inside and out.”

Maging si Karen Davila ay nag-tweet ng shout out para sa aktres.

“Bela Padilla’s compassion is contagious. Amazing work Bela,” tweet ni Karen.