MULA sa PPP pamunuan, P149.5M ang gross income nila for one week.

Ang mga taga-100 Tula Para Kay Stella producers, as of the latest post nila sa kanilang mga social media sites — P95M ang gross income.

Therefore, P54.5M ang gross income na pinagsasaluhan ng 11 pelikula pang kalahok.

Lumalabas, kung validated ang both figures that we read sa social media postings, ang average gross income ng other films, nasa P4.95M.

Sa labing-isang kalahok, p’wede ba nating sabihin na ang P4.95M gross earnings eh dapat, ang producers and all the people behind it, eh magpalakpakan sila at maglulundag sa tuwa?

Dapat ba tayong maniwala na maliit pa sa P4.95M ang ginastos per movie kaya tubong lugaw na sila sa estimated figure na ito?

P100M lang daw ang ang target box office gross ng FDCP kaya masasabi ba nating ganap na tagumpay ang PPP ga­yong glaring ang disparity of the box-office grosses of the major box office winner if compared to the other films?

Tama ba ang figures sa postings at portal news reports? Nagtatanong lang po.

Kung wala sa roster ang 100 Tula at isa pang box-office wonder na Patay Na Si Hesus (na P15M in 7 days ang conservative estimate sa box office gross), mas liliit ang paghahatian ng 10 pelikula.

Dalawang pelikula ang kumita versus 10 na underperforming, paano nila nakukuhang ngumiti at ipagmalaking tagumpay ang kanilang adhikain?

Hindi ba uso ang “honesty is the best policy” sa FDCP pamunuan?

Na akala yata nila, porke may P149.5M na gross income, we will take it hook, line and sinker at hindi tayo mag-iisip at magtatanong?

Nasa demokrasya tayo kaya walang masamang magtanong.

Ang hindi kainaman, kung ang mga tanong, walang sasagot at ipagpipilitan na ‘yung “big picture” ang importante, na dalawa sa 12 ang panalo sa takilya at naabot nila ang kanilang target box-office gross.

May kumita nga naman, bakit pa nagtatanong?

Hindi kataka-taka kung bakit ang balana, dabarkads, at madlang pipol, minahal, yinakap at pinanood ang PPP box office champions.

They have the elements of a “magandang” pelikula.

Ano ba ang nangyari at iyung iba, did not receive the support and the love of the moviegoing public?

GHOST Month kasi ngayon kaya mas maraming ghosts ang pumasok sa mga sinehan kesa sa mga totoong tao?

Pricey masyado ang tickets na P200, tapos, hindi emotionally-satisfying at intellectually-satisfying?

In other words, pangit ang ibang kasali kaya Deadmatology 101 ang may mga purchasing powers to buy movie tickets?

Kulang sa PR specialists at social media influencers, (whoever they are and whatever it means) ang remaining 10?

Walang strong of word of mouth sa ibang movies?

Nag-uulan pa, traffic, walang masakyan kaya mas bet of the peeps na mag-stay na lang sa confines of their abode at manood ng Game of Thrones?

P’wede ba nating i-take into consideration the inequitable airtime allotment per film?

‘Yung inequitable distribution of cinema houses, p’wede rin bang culprit?

O talagang masyadong marami ang 12 films kaya mas mainam kung gaganapin ito sa susunod na taon, mas kaunti pero mas mataas pa rin ang kalidad — tamang bilang na ba ang anim hanggang walong pelikula?

***

JC at Bela
JC at Bela

Ang pinakamatatabang bunga sa PPP, ang pagmamahal at suporta na tinanggap ng 100 Tula Para Kay Stella at Patay Na Si Hesus.

May great postings at audience support din para sa Bar Boys, Pauwi Na, Paglipay at Birdshot.

Patotoo ang mga ito na may audiences na for quality films.

May solidong demographics na para sa mga pelikulang bago ang pagkalalahad sa kanilang mga kuwento.

Mas kaabang-abang na lalo ang mga papara­ting na proyektong pagbibidahan nina Bela Padilla, JC Santos, Jaclyn Jose, Odette Khan, Bembol Roco, Cherry Pie Picache, Meryl Soriano, Ana Luna, Jess Mendoza, Kean Cipriano, Enzo Pineda, Carlo Aquino, Rocco Nacino, Chai Fonacier, Arnold Reyes, Ku Aquino, at John Arcilla.