Bela–JC kasado na sa takilya ng PPP

Kinumpirma ni FDCP Chairman Liza Diño na ang pelikula nina Bela Padilla at JC Santos na “The Day After Valentines” ng Viva Films, at ang movie ng Regal ang may pinakaraming nakuhang sinehan para sa taong ito ng PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino 2018).

Hindi na nagpatumpik pa si Chair Liza na sabihin ang katotohanang ito sa nakaraang presscon para sa anim na award winning independent films na masasalang sa special feature section sa PPP.

Ang blockbuster na pelikula nina Bela at JC na “100 Tula Para kay Stella” ang naging rason kung bakit nabigyan ng mas maraming sinehan ang “The Day After Valentines” sa buong Pilipinas.

Nilinaw ni Chair Liza na hindi kumpetisyon ang PPP. Binibigyan lang ng pagkakataon ang mga producer ng indie na mabalik ang kanilang puhunan.

Itinanggi rin nitong nakikipagpaligsahan ang PPP sa ibang film festivals gaya ng Cinemalaya at MMFF sa palakihan ng production o event.

Giit niya, tinutulungan lang ng FDCP ang mga pelikula na mabigyan ng magagandang sinehan para mapanood nang mas maraming tao at kumita ang kanilang proyekto.

Sa estado ngayon ng pelikula nina Bela & JC kasado na ang mga ito sa box-office sa PPP.

Samantala, ang pelikulang kasali sa special feature section ay ang “Balanginga: The Howling of Wilderness (mula sa QCinema 2017), “Gusto Kita With All My Hypothalmus (CineFilipino Film Festival 2018), “High Tide” (ToFarm Film Festival 2017), “Kiko Boksingero” (Cinemalaya 2017), “Paki” (Cinemaone Originals 2017), Tu Pug Imatuy (Sinag Maynila 2017).
***

Christian nagwala ang ‘alaga’ kay Elora

Namula ang mukha ni Christian Bables nang matanong tungkol sa love scene kay Elora Españo sa PPP official entry na “Signal Rock” . Idinirehe ito ni Chito Roño.

Hindi itinanggi ng aktor na tinablan siya nang tumayo ang kanyang ‘jun-jun’ sa eksena nila ni Elora.

Hubo’t-hubad na ginawa nina Christian at Elora ang kanilang love scene.

Tanging plaster lang ang tumatakip sa hiyas ng aktres at sa sandata ni Christian.

Walang plaster ang boobs ni Elora kaya malayang dumudunggol sa dibdib ni Christian.

Mainit at paulit-ulit kinukunan ang halikan, lamasan ng kanilang mga harap kaya umakyat ang dugo sa buong katawan ni Christian. Nagwala ang kanyang alaga.

Kuwento nga ni Christian, hindi puwedeng hindi siya tablan dahil ‘yung pumping scene nila ay kailangang gawing totoo ang eksena.

Well, kilalang mga palaban at competent actors sina Elora at Christian pero sa pagkakataong may mainit silang eksena, bibigay at bibigay rin ang kanilang pagtitimpi.