Bela, Lovi nabahala sa nCoV

Mapa-mayaman man o mahirap, celebrity o politiko, ano man ang estado sa buhay ay nababahala sa banta ng novel coronavirus (nCoV).

Ang actress-model na si Solenn Heussaff ay naglabas ng hinaing sa gobyerno hinggil sa tuloy-tuloy na pagpapapasok ng mga Chinese sa bansa.

Ani Solenn sa Twitter, “Why is our government still allowing flights in from China?? That should have been the first action when news about this virus came out.”

Katulad ni Solenn, isa lang ‘yan sa mga hinaing ng mga mamamayan sa takot na mahawaan ng nCoV. Maging ang aktres na si Bela Padilla ay humihiling na sana ay gawing prioridad ng gobyerno ang kanyang nasasakupan.

Ani Bela, “Now more than ever, I value the thought that every breath we take is important. May those governing our country prioritize us, it’s citizens.”

Ang ibang celebrity naman ay nagbigay ng babala at payo sa mga netizen.

Ani Lovi, “It’s always better to prevent something from happening rather than dealing with it later on. Foresight.”

Payo niya, “With that being said, keep safe everyone.. be more hygienic, wear a mask, bring alcohol…”

Si Luis Manzano naman ay nais maging protektado kaya nagbibigay siya ng babala na huwag umubo o bumahing sa harap niya.

Sey ni Luis, “So pakiusap nalang sa lahat ng mga makakasama ko sa mga darating na linggo, let’s take care of each other! Wag naman tayo umubo o humaching ng harap harapan pwede sa loob ng siko o di kaya yumuko para papuntang sahig ang ubo o sneeze. Tulungan tayo kung may sakit, mag mask na.”

Para naman kay Bianca Gonzales, importante na maghugas ng kamay. Aniya, “And di bale nang exag, OA o praning. Wash your hands or clean hands with alcohol as often as you can. WASHING HANDS SAVES LIVES.‪”

Samantala, kinaaliwan ng mga netizen ang doktor na nag-viral dahil sa makapal na punda at plakadong lipstick. Mukhang nag-ready kasi si Dok para sa naging panayam sa kanya.

Nakakaaliw naman ang reaksyon ng beteranong direktor sa nag-viral na doktor sa Twitter.

Sey ni Direk Joey, “Kahit ang coronavirus ay namangha sa ganda ng blending ng funda at tapang ng lipstick ni Doc.” (Rona Ronda)