Bela malamig ang V-Day

Bela malamig ang V-Day

Matapos ang kanyang mahusay na pagkakasulat ng Star Cinema film na “Last Night” ay muling nagbabalik si Bela Padilla sa pagtatrabaho sa likod ng kamera para sa kanyang kauna-unahang digital pro­ject na siya ang lumikha at co-producer.

Ito’y ang “Apple Of My Eye” mula sa direksyon ni James Robin Mayo. Prodyus ito ng Dreamscape Digital para sa iWant streaming ngayong February 14.

Naging maboka si Bela sa pagsasabing naging personal choice niya diumano sina Marco Gumabao at Krystal Reyes. Gusto niya ang angas ni Marco bilang si Michael sa serye ganoon din ang taglay na pagiging inosente ni Krystal bilang si Apple.

Sa isang banda, nagsalita rin si Bela tungkol sa sinabi ni Direk Erik Matti na patay na raw ang ating industriya ng pelikula.

“Parang ako personally, I don’t feel that streaming platforms will affect the movie making. Kasi ang tagal namang may streaming. May NetFlix na nu’ng lumabas ang “Kita Kita” pero kumita. So, this will not directly affect kasi iba naman ang mga pelikulang ilalabas sa streaming sa big screen.

Kaya I don’t think that we are in a dying situation because we are releasing good films sunod-sunod. Ang hirap lang talagang mag-predict kung anong movie ang kikita at hindi. Hindi mo talaga masasabi,” bulalas ng aktres.
“Wala! Kasama ko sina Direk Joyce sa Valentines.

“Magpo-poetry reading kami. ‘Yan ‘yung mga trip namin this year. Ewan ko! Hahahahaha!” pagtatapos niya sabay bungisngis.