ANG primetime dramang Dear Heart ay mamamaalam sa ere in a high note.

Simula noong ito ay ipinalabas sa telebisyon after FPJ’s Ang Probinsyano, consistent ang double digit ratings, pana­lo ang advertising load, tunay na pampa­milya peppered with so many life lessons pa.

May characters dito na the audiences love to hate.

Topping the hate scale of course, Eric Quizon bilang Dr. Francis.

Sa ilang episodes na napanood ng diva that you love, ang masasabi ko talaga, from the Vilma Santos school of acting si Quizon sa soap.

Ang mga pag-ismid na palihim, kusang pagtaas ng kilay, ngiting pailalim, pati ‘yung parang mga baliw-baliwan moments, plakadung-plakado — Vilmang-Vilma.

May mga doktor bang kasinsama ni Doc Francis?

Ang sagot ni Ms. Coney Reyes, “I cannot have a categorical ans­wer to the question pero I believe so na anywhere and everywhere, evil lurks.

Coney Reyes
Coney Reyes

“Minsan, garapala­n ang pagpapakita nila nito. ‘Yung ilan, they hide in sheep’s clothing.

Akala mo, bait-baitan pero hindi naman pala.

“Kung may evil man sa mundo, the best way to combat it is by being good, by sowing the seeds of love, nurturing it until it grows.

“‘Yung character ko, si Doc Margaret, sa u­nang part of the soap, masama ring tao, pero when she realized na apo niya pala si Heart, nagbago siya.

“She has learned to forgive herself, she sought forgiveness to the people she has wronged and in the end, ipinakita na love and faith, can indeed change people.

“I hope ‘yun ang dalhin ng mga tao when we finally bid good-bye.

“Isang linggo na lang kami eere sa TV at gusto ko, after Dear Heart is finished, what people remember and bring to their hearts is that, at the end of the day… the good, faith, hope and love always prevail.”

***

Topping the love scale of course, si Zanjoe Marudo na gumaganap bilang tatay ni Heart.

‘Yung ibang hitad, feeling ko, ang dream, believe and survive nila eh magpaanak na kay Zanjoe, huh?!

Sabi ni Marudo, “Masaya ako at malungkot na matatapos na kami. Kahit hindi pa ako tatay in real life, masarap sa pakiramdam na nagagawa kong tama ‘yung mga tatay characters na ibinibigay sa akin.

“In time, in time, magkakaanak at magkakaasawa na rin ako ta­laga.”

Kumusta sila ni Bela Padilla?

Pilyong sagot ni Marudo, “Ayun, taguan ng feelings. Hahahaha! No! Joking aside, dahil sa soap na ito, we have developed a good friendship.

“At sana, after the drama, manatili ang pagiging magkaibigan naming dalawa.”

Si Padilla naman, ang hindi makakalimutan sa Dear Heart, “We have become a real family on the set. Sabay-sabay kumain, laging maraming pagkain, maraming kuwentuhan.

“‘Pag break na, isang area lang kami. I am very thankful to this soap. Kasi, ‘yung character ko, ibang-iba from what I did sa Ang Probinsyano.”

***

Ria Atayde
Ria Atayde

Si Ria Atayde, may pag-amin na, “Kinikilig ako ‘pag sinasabihang anak ni Sylvia Sanchez. Masarap sa feeling na they acknowledge how good my mom is as an actress, and my brother Arjo, is excelling in ac­ting as well.

“This is my biggest acting break and challenge, so masaya ako when I hear that, and siyempre masarap sa paki­ramdam na ang mga audiences, natutuwa sa ipinapakita ko bilang Dra. Gia.”

***

Walang duda na si Nayomi ‘Heart’ Ramos now belongs to the roster of talented kids na meron sa ka-Dos.

Charming sa personal, walang put on na pa-cute antic at alam mong la­laking maganda ito.

Ang emotada encarnacion niya sa kanyang newfound success, “Thank you po. I heart you po.”