ISA ang I America sa mga pelikulang kasali sa Cinemalaya this year na most talked about at receiving lots of love sa audiences.
Kaya ang diva that you love, hindi na nagtaka na may commercial theatrical run ito.
Sa pelikula, si Bela Padilla ay si Erica, isa sa Amerasians na hinahanap ang kanyang tatay.
Ang twist sa pelikulang ito, dumating ang kanyang absentee father, ibinigay at ipinadama sa kanya ang pagmamahal at kalingang kanyang hinahanap-hanap.
Siempre pa, may epekto ang arrival ng kanyang biological father sa kanya, sa mga kapwa at kaibigan niyang Amerasians, at sa relasyon niya sa kanyang nanay.
Pagtatapat ni Bela, “Hindi ako nagdalawaang-isip na tanggapin ang pelikula. Kasi, nakita ko agad ang sarili ko sa role at kung paano ko gagawin si Erica.
“Pagkabasa ko sa script, sinagot ko agad ang email ni direk Ian na oo, game ako, kailan ang shoot? Gandang-ganda kasi ako sa script.
“At ibang klaseng babae si Erica, eh. Palaban!”
Pahayag ni direk Ian Andrew Payawal, “Siya talaga ang first choice ko to do the role.
Medyo na–dishearten ako nu’ng nakita kong she was in Ang Probinsiyano.
“Feeling ko, imposible na niyang magawa. Kasi nga, dapat, naka-lock in kami sa Olangapo.
“Then, napanood ko ‘yung episode kung saan ‘yung character niya sa drama, pinatay na.
“Na-excite ako nu’n, nagpatulong talaga agad ako sa friends on how to get in touch with her. And when I got her email, I sent her the script agad.”
***
Na-frustrate ba si Bela na hindi siya nagwagi sa Cinemalaya?
“Ay, wala namang ganu’n,” mabilis na sagot ni Bela.
“Siempre, when you are part of a film na pinaghirapan ni’yo, umaasa ka na you will get recognized.
“Nu’ng gala night namin, and we were hearing people laughing, crying, na dalang-dala sila, okay na ‘yun.
“At saka noong nakita ko na may pelikula sina Nora Aunor, si Judy Ann Santos, may chance ka pa ba? Hahahaha!
“Kahit may pangarap kang manalo kayo, paano pa?”
Happy din si Padilla na si Hasmine Killip ang tinanghal na best actress.
“Ang maganda sa Cinemalaya experience ko, lalo na in terms of being an actress, ‘yung mga expectations mo, you get to confront it and during the awards night, when we heard na they gave it to Hasmine, it gave me the feeling na uy, may fighting chance pala kami talaga.
“Na ‘yung playing field, lalo na sa acting categories, hindi mo talaga alam kung sino. Masaya ako for Hasmine.”
***

Inamin ni Bela na fan siya ni Juday.
Kwento ni Bela, “Mga 13 years old ako nu’n, dumalaw kami sa set nu’ng soap nila ni Tito Robin (Padilla).
“Kita ko, may kausap siya, she was laughing pa nga. Hindi pa siya in character.
“Tapos, nu’ng take na, sumigaw na, action! 5-4-3-2-1… ayun, umiyak siya agad! Walang actor’s cue.
“Nabaliw ako. Kasi sobrang galing niya.”
Hiyang-hiya si Bela sa kanyang rebelasyon.
“Nakakahiya. Baka mabasa niya, baka sabihin niya, uy, grabe siya! Although I met her na, hi and hello nga lang.
“When I was starting, ‘pag tinatanong ako who I want to be with, ang pitch ko lagi, I want to be the next Judy Ann.
“Gusto ko kasi ‘yung buhay niya, ‘yung career niya.”
Kung magkakatrabaho sila ni Juday, ang gusto niyang gawin nila ay, “Gusto ko ‘yung parang Magkapatid. Ako na ‘yung sa role niya. Hahaha!”
***
Ang isa pang endearing na pag-amin ni Bela, “Ang weird kasi sa akin, kahit artista na ako, hindi pa rin nawawala ‘yung pagka-fan ko.
“I get starstruck and tongue tied all the time. Halimbawa, si Dennis Trillo, ilang beses ko na siyang naka-work, pero every time, natulala ako sa presensya niya.
“Hindi ako makapaniwala na, uy, katrabaho ko na pala siya. “Gaya rin kay Coco Martin, parang totoo na ba ito? Si Coco na talaga ang kaeksena ko?
“I think ‘yung pagiging fan ko, hindi na talaga mawawala ‘yun sa akin.”
Pati sa pagpapakasal nila ni Neil Arce, na boyfriend na niya for 4½ years, gusto niya eh matagal-tagal pa.
“Mas gusto ko ‘yung idea na matagal ‘yung relasyon bago kayo ikasal.
“Kasi, the time together, gives you opportunities to know your partner better, para ‘pag kinasal na kayo sure na sure.
“Feeling ko kasi, in my 30’s pa ako ikakasal. Kasi nga, si Judy Ann Santos, in her 30’s siya nu’ng kinasal.
“Hahahaha! Nakakahiya na ako talaga! Hahaha!”
Palabas na September 21 ang I America.