Bela naunsyami ang trip

NI:ARCHIE LIAO

Para kay Bela Padilla, isang magandang bangungot ang dulot ng COVID-19 pandemic.

Never daw kasi niyang na-imagine na mangyayari ito sa buong mundo dahil sa pelikula lang niya napapanood ang ganitong klaseng scenario.

Alam din niya na napakalaking dagok ng krisis sa entertainment industry na kanyang kinabibilangan.

Kung dati raw ay sobrang busy siya, ngayon medyo na-guilty daw siya dahil feeling niya ay bigla siyang naging idle at naapektuhan ang pagiging produktibo bilang artista.

Katunayan, maliban sa ilang pelikula at TV shows, nakaplano na raw na magbakasyon siya sa Switzerland at Hungary.

Nakasanayan na rin niya ang libutin ang beaches sa Pinas tuwing summer.

Ngayon, lahat daw iyon ay naunsyami dahil sa enhanced community lockdown.

Maliban sa kanyang pet dog at assistant, wala rin daw siyang kasama sa bahay nang mangyari ang lockdown.

Gayunpaman, blessing in disguise raw marahil ang ECQ dahil naging opportunity ito para makita niya ang mundo at lumawak ang kanyang pananaw sa buhay.

Naging oportunidad daw ito para makapagsagawa siya ng fund-raising campaigns na matagumpay na tinangkilik ng mga taong may mabubuting kalooban.

Nakita rin daw niya ang pangangailangan ng marginalized sector tulad ng informal settlers sa Bay area nang dumalaw siya at maghatid ng tulong rito.

Speaking of ABS-CBN shutdown, nanatili raw buo ang suporta niya sa laban nito sa malayang pamamahayag.