NI: ROLDAN CASTRO

Pinatulan ni Bela Padilla ang basher niya. Nagsara na kasi ang ABS-CBN. Wala na raw trabaho ang mga Kapamilya star.

Komento ni @pusa_the_basher sa Instagram account ni Bela.

“Magtinda kana ng BBQ wala na ABS CBN ey!”

Pakli ng aktres , “Bakit? May ipon naman ako. Chaka pwede naman ako magsulat :) yung barbecue, mahirap gawin.”

Sumawsaw naman ang mga netizen sa barbecue issue.

@yhanliwanag, “@pusaputing sarap mong tuhugin ng bbq stick! “

@reyanferrer , “@bela hahahaha tama i ❤️ youu for that 😁”

@maristellarr_ , “@bela sana ol may ipon.”

@marichellereyes802, “@pusaputing luh..! Paepal ka po.! Bawal ang nega dito.😂”

@valenciaziankyle, “@pusaputing may mga ipon ang mga artista ng abs cbn, ang problemahin mo buhay mo.”

@shine_shella, “@bela haha pak na pak😂”

@eytuazon_, “@pusaputing bakit hindi ikaw yung mag tinda? Parang mas kailangan mo?”

@lalalarraa, “@bela I love the way you respond on your basher still with respect even though some of them don’t deserve it. Lol it shows how well educated you are and how beautiful you are inside and out. ❤”

Humirit pa rin si @pusa_the_basher,”@bela pabili po ng 3 na dugo at 5 na isaw MEOW!”

Nag-reply pa rin si Bela ng ,”@pusaputing ay ang kulit. Sinabi ngang di ako marunong magluto ng barbecue.”

Humaba lalo ang usapan.

@ shanelynsawan, “@pusaputing beh @tonybel_hk ..asan na yung bbq mo.pabili mo daw si pusa ng..dugo at isaw..gutom na ata xia…ahaha.”

@imerareinamarie, “@pusaputing Nothing wrong with writing a book and/or selling barbecues. Parehong marangal na gawain yun, pero yung intensyon sa pagkakasabi mo e parang minamaliit mo ang kakayahan ng isang tao para mabuhay sa sarili nitong sikap o anumang diskarte nito. Maki-simpatiya na lang, kesa maghintay sa ikakabagsak ng tao para lalo niyong pagtawanan.”

@senyorajess, “@pusaputing hindi nga marunong gumawa ng BBQ si Bela.. Pero marunong sya gumawa ng siopao. Hala ka magtago kana pusa baka gawin kang ingredients Hahahaha Charot lang! “

@sweetmheng29, “@pusaputing how dare you? After this actress helped thousands of people? Ikaw ano ambag mo sa lipunan? Matuwa na milyonmilyong tao ang nalulungkot dahil walang ABSCBN? #notoabscbnshutdown.”