Bela, sweet kay Zanjoe!

ZANJOE & BELA

“NO comment!”

‘Kaloka dahil ‘yan ang bungad sa amin ng businessman/produ­cer na si Neil Arce, ex-boyfriend ni Bela ­Padilla, nang tawagan namin siya kahapon.

Alam na alam ni Neil na uusisahin namin siya tungkol sa break-up nila ni Bela na matagal din niyang naging syota.

Marami sa friends nila ang nag-akalang mauuwi na sa kasal ang relasyon ng dalawa, pero naghiwalay rin sila.

Kami man ay nagulat sa break-up nina Neil at Bela dahil sob­rang supportive ang una sa career ng huli.

“Sorry, ni hindi ako nag-‘Hello’ sa’yo at no comment na kaagad ang sagot ko. Ayoko talagang magsalita!” ­dagdag ni Neil at sinabi pang napakaraming taga-press ang tumatawag at gustong magtanong sa kanya, pero hindi na lang daw siya sumasagot ng tawag ng press.

Dahil ayaw mag­salita ni Neil, hindi na ­namin siya inusisa tungkol sa tsika ng ilang ­kaibigan nila ni Bela na “bad” break-up ‘yung nangyari sa relasyon nila.

Hindi na rin namin pinag-comment si Neil tungkol sa pagkaka-link ni Bela sa My Dear Heart co-star nito na si Zanjoe Marudo.

Ang mga kaibigan din kasi nina Neil at Bela ay naguguluhan kung totoo ba ‘yung tsikang sweet sa isa’t isa ang dalaga at si Zanjoe.

Baka raw kasi gimik lang ‘yon para sa My Dear Heart teleserye ng ABS-CBN.

***

Regal baby na si Christian Bables, ang tinaguriang Pambansang Bes dahil sa role niya bilang best friend ni Paolo Ballesteros sa pelikulang Die Beautiful.

Alam n’yo ba na noong nag-audition si Christian para sa pelikulang I Love You To Death na pinagbidahan nina Kiray Celis at Enchong Dee, muntik na siyang hindi makuha?

Bading na friend ni Kiray ang role ni Christian, pero noong mag-audition siya, hindi siya bigay-todo, kaya nag-thanks na sa kanya.

Nang paalis na siya at sasakay na ng taxi ay bigla siyang tinawagan at pinabalik sa loob para mag-audition uli.

Sinabihan si Christian na dapat ay bigay-todo siya sa audition na ‘yon at presto, tagum­pay siya sa pangala­wang subok.

Nagustuhan siya ng mag-asawang ­Perci Intalan at Jun Lana sa I Love You To Death, kaya nang nagka-casting sila para sa best friend ni Paolo sa Die Beautiful ay siya na ang kinuha.

***

Nakabalik na ng bansa si Martin ­Nievera at sumalang na siya ka­gabi bilang host/performer sa auction night ng 65th Miss Universe.

Si Pops Fernandez ang organizer ng auction night, kaya ­kahit galing ng Hawaii si Martin, hindi puwedeng wala siya roon.

Ngarag si Pops kahapon.