ANG daming nagulat nang bumulaga si Yassi Pressman sa Kia Theatre nu’ng Sabado nang gabi at mag-perform siya sa Finals Night ng PhilPop 2016.

Isa si Yassi sa celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 at nandu’n siya sa Bahay ni Kuya sa Vietnam, kaya may gulat factor ang pagsipot niya sa event.

Akala ng fans ay hindi makakarating si Yassi.

Feeling namin that night ay biglang aapir sa stage ang BFF niyang si Nadine Lustre para maging substitute niya dahil nasa Vietnam siya.

May drama pa ang pag-entra ni Yassi na galing siya sa labas ng Kia Theater, bumaba siya sa kotse, pumasok sa pinto at naglakad papunta sa stage habang kumakanta.

Ang tisay na Viva star ang nag-interpret ng isa sa 12 song finalists na Dumadagundong composed by Mike Villegas and Brian Cua.

Ang sabi sa amin ng Viva, binigyan ng permission si Yassi to perform sa PhilPop.

So, puwede na pala ang gano’n sa PBB?

Nang may magtanong kay Yassi after the show, ang sabi niya lang ay bawal siyang magsalita about it.

May tsika ring posibleng na-evict na si Yassi mula sa Bahay ni Kuya. Kasali siya sa unang batch na nominado for eviction kasama sina Hideo Muraoka, Jinri Park at JK Labajo.

Nakadalo man si Yassi at nakapag-perform sa Finals Night ng PhilPop 2016, NGANGA pa rin ang beauty niya dahil ang tinanghal na grand winner ay ang ‘Di Na Muli na inawit ng Itchyworms at sinulat nina Jazz Nicolas at Wally Acolola.

First runner-up ang Lahat ni Soc Villanueva at in-interpret ni Jason Dy.

Second runner-up ang Tinatangi nina Miguel & Paolo Guico na inawit nina Bayang Barrios at Cookie Chua kasama ang The Benjamins.

Nagkamit din ng special award na People’s Choice ang Lahat ni Soc habang nagwaging Best Music Video ang Tinatangi ng Guico twins.

***

Bela Padilla
Bela Padilla

Si Bela Padilla ang nag-host ng Finals Night ng PhilPop kasama ang Boys Night Out DJ’s na sina Sam YG, Tony Tony at Slick Rick.

Maganda ang gown ni Bela na gawa ni Francis Libiran, pero sana ay mas pinaghandaan niya ang paghu-host niya ng isang event na katulad nito.

Maayos magbasa ng spiels si Bela at okey ang kanyang diction, pero kulang na kulang siya sa energy at dependent siya sa cue cards.

At sa mga banter nila ni Sam YG ay ang waley ng mga hirit ni Bela.

‘Yun na sana ang chance niya para ipakita kung gaano siya ka-smart at ka-articulate, pero most of the time ay hindi niya masagot ang mga simpleng tanong ng mabokang si Sam.

Kahit sa mga pabirong sundot at punchline ni Sam ay hindi natatawa si Bela, so, parang hindi niya ito masakyan.

Mas okey sana ang rapport nila onstage kung gets ni Bela ang humor ni Sam at kahit paano ay nakakasundot din siya ng punchline.

Bilang ang role niya ay female host of that night, sana ay mas naka-gel pa ni Bela ang tatlong boys kung marunong siyang sumalo at bumato rin tuwing bumabanat ang mga ito.

Hindi lang sana sa mga isusuot niya naging conscious si Bela kundi lalo sa kanyang hosting skills bilang alam niya ang kakulangan niya sa departamentong ‘yon.

In fairness to her ay ilang beses niyang naipasok ang plugging ng pelikula niya na Camp Sawi dahil ‘yung PhilPop entry na Pabili (ni Aikee Aplacador, interpreted by Aikee and Banda ni Kleggy) ay theme song pala ng movie nina Bela na sa August 24 ang showing.

Speaking of Camp Sawi, parang pasok ding mapasama sa soundtrack nito ang bet naming manalo sa PhilPop 2016 na Baliw sa Ex-Boyfriend Ko na kinompows ni Joan Da, interpreted by Sugar and Spice.

Kababawan lang ang kanta pero may dating ito at malakas ang commercial appeal.

Sa 12 finalists this year ay ito ‘yung tipo ng kanta na maghi-hit sa radyo at pati masa ay makaka-relate!