Kailangang tutukan na ang problema sa game-fixing.
Ito ang reaksyon ng dalawang miyembro ng Cignal-Ateneo na sina Sam Josef Belangel at Jason Credo sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel Manila.
“We are often told about that and always reminded before and after our practices, and even in our meeting. Actually, ‘di talaga kami pinapalapit sa mga taong ‘di namin kakilala bago ang games namin,” sabi ni Credo, na ang koponan ay early finalist sa 9th PBA D-League 2019.
“Pinapaalala sa amin madalas ng coaching staff namin about the consequences na puwede kaming ma-kick-out not just sa team, but also sa university and forever na magiging bahid sa record namin and in our playing career,” salaysay naman ni Belangel.
Makakatuos ng Scorpions ang Cignal-Ateneo sa pagtipa ng Game 1 ng best of five Finals simula sa Huwebes.
Maaalalang pitong manlalaro ng Centro ang inalis sa koponan tapos mapatunayang nasangkot sa game-fixing sa isang summer league. (Lito Oredo)