Ginawaran ng para­ngal sa ikatlong pagkakataon ng prestihiyosong Superbrand Marketing International,­ Inc. si 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador ‘Bong’ Belaro o mas kilala bilang Mr. Edukasyon sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

Sa idinaos na special awarding ceremony, iginawad ni Kenneth Rocete, marketing director ng SMI ang naturang parangal kay Belaro kung saan sinabi nito na napili ang kongresista bunsod ng kanyang ‘di matatawarang legislative achievement sa 17th Congress gayundin ang adbokasiya nito para maiangat ang edukasyon sa bansa.

Lubos naman ang pasasalamat ni Belaro sa kanyang muling pagtanggap ng pagkilala na aniya’y isang patunay na ang 1-Ang Edukasyon Partyl-list ay maaasahan at magpapatuloy sa pagsusulong ng makabuluhang mga batas para sa dekalidad na edukasyon at upang maging globally competitive ang sektor ng edukasyon.

“Makakaasa po ang taumbayan na mas lalo pa nating pag-iibayuhin ang ating adbo­kasiya sa Kongreso upang matulungan nating mapalakas ang estado ng edukasyon para sa kinabukasan ng ating mga anak,” saad ni Belaro na isa sa may kahanga-hangang academic qualifications na nagsilbi sa Kongreso.

Sa kasalukuyan, may naiakda si Belaro na kabuuang 728 na panukalang batas at resolusyon na maituturing na isa sa highest record ng 17th Congress kung saan kalahati rito ay nakatuon sa edukasyon.

Taglay ni Belaro ang malawak na karanasan sa abogasya, pagtuturo at author sa halos mahigit 20 taon. Nagsilbi ring Senior Associate sa isa sa mga primyadong law firms sa Metro Manila, at nagtatag ng sa­rili niyang law office, Isa sa itinuturing na legal luminary, nagsilbi rin si Cong. Belaro bilang lecturer ng MCLE sa mga abogado na dati ring Commissioner ng Commission on Bar Discipline ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).