Belga pumirma ng 2-year extension

Belga pumirma ng 2-year extension

Wala nang balak umalis ni Beau Belga sa Rain or Shine Elasto Painters nang sumang-ayon ang basketbolista sa bagong two-year contract extension.

Aniya, masaya siya sa koponan at pinahahalagahan ang tiwala ng kanyang mga boss sa kanya na sina RoS owners Raymund Yu at Terry Que.

“Wala na, ‘di na ako naghahanap ng iba. Dito na siguro (retirement). Okay na ako. Kung dati gusto kong malipat, ngayon ‘di na,” wika ni Belga sa panayam ng SPIN.ph.

“Maayos naman ‘yung mga boss. Mababait, ‘di naman mahirap kausap.”

Natuwa rin si Belga sa pinapakitang suporta sa kanya ng Rain or Shine management ukol sa pagpayag sa kanyang makilahok sa mga practice ng Gilas Pilipinas.

Handa namang suklian ng 32-anyos na power forward ang kabutihang ipinakita sa kanya ng kanyang koponan.

“Kailangan lang suklian ‘yung tiwala ng mga boss. Kailangan magpakita para ‘yung tiwala ‘di mawala hanggang sa mag-retire siguro,” panapos niya. (Aivan Denzel Episcope)