Belgian footballer gumaling sa Covid

Pinalabas na sa ospital matapos ma-confine si Belgian football player Marouane Fellaini na nagka- COVID-19 sa China.

Naglalarong midfield ang 32-anyos sa China’s Super League mula pa noong 2019, at nitong Marso ay kabilang sa nagpositibo sa coronavirus disease 2019 pandemic.

Inabot din ng 3-linggong gamutan si Fellaini ngunit ngayon ay COVID-free na kaya pinauwi na sa kanyang bansa.

“The time has come for me to thank from the bottom of my heart, the medical staff of the hospital, their nursing staff as well as my Club (Shandong Luneng Taishan) and its medical staff for taking such good care of me with so much kindness and for ensuring my comfort whilst there,” litanya ng pasasalamat ni Fellaini.

Bagama’t virus free na, sasailalim pa rin si Marouane sa 14-day self-quarantine sa kanilang bahay upang makabawi at masiguro pa ang kaligtasan niya. (ADE)