Isang Filipino fighter sa katauhan ni Kevin Belingon na nagpakita ng pinakamatinding kalidad para itulak ang One Championship sa pinakamaganda nitong taon ang nagkakaisa at karapat-dapat na ibinoto upang mabigyan ng karangalan bilang ONE Warrior of the Year.
Tinaguriang “silent but deadly” na mapagkumbaba din bilang isang martial artist, ipinakita ni Belingon ang matinding pag-angat mula sa kabiguan tungo sa pagiging hari sa bantamweight division upang kilalanin bilang pinakamahusay sa lahat ng mga fighter.
Unang itinala ng Baguio City pride ang kanyang kakaibang pakikipaglaban ngayong taon ang isa sa kinunsidera na pinakamatinding knockout of the year kontra kay Andrew Leone, bago binigo ang two-division titleholder na si Martin Nguyen para sa kanyang unang pagtikim sa korona.
Huli nitong itinala ang pinakamatinding panalo matapos lampasan ang pinakamatindi nitong hamon sa pinakamatagumpay na world champion sa kasaysayan ng ONE Championships na si Bibiano Fernandes upang angkinin ang undisputed ONE Bantamweight world belt.
Naungusan ni Belingon sa prestihiyosong korona ang ONE middleweight champion na si Aung La N Sang, ONE women’s strawweight world champion Xiong Jing Nan, ONE lightweight world champion Eduard Folayang at ang maalamat na Japanese fighter na si Shinya Aoki. (Lito Oredo)