Mga Laro Bukas:
(Smart Araneta C­oliseum)
4:15 pm – Cocolife vs Foton
7:00 pm – F2 Logistics vs Petron

Paghihiganti ang nasa kukote ng Petro­n pagharap nila sa de­fendin­g champion F2 Logistics sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three finals series na magsisimula bukas sa Araneta Coliseum.

Ayon kay Petron Coach Shaq Delos Santos, gagawin nilang sandalan ang heart-breaking setback nila noong nakaraang taon.

Nalusaw ang tikas ng Blaze Spikers sa Games 2 at 3 kaya sinuko nila ang Grand Prix title sa Cargo Movers.

Huling Grand Prix crown ng Petron noong 2014 kung saan sina American Alaina Bergsma at Brazilian Erica Adachi ang kanilang imports.

Umahon ang Cargo Movers mula sa 0-9 pagkakalubog sa second set upang itakas ang panalo sa Game 2 at makapu­wersa ng do-or-die Game 3 sa nakaraang taong finals kontra Petron.

“We will do everything to prepare for our finals rematch with F2 Logistics,” saad Delos Santos. “F2 (Logistics) is a very talented team. It is a strong and aggressive team. The big challenge for us is what happened last year when we lost to them in the finals. This is a new opportunity and we’re accepting this challenge to, hopefully, win the title.” (Elech Dawa)