Bella Thorne nagka-award sa Pornhub

Pinasok na ng aktres na si Bella Thorne ang mundo ng Pornhub bilang isang direktor. Sa una niyang adult film na ginawa ay makakatanggap na siya ng award.

Ayon sa TMZ, kinilala ang obra ni Bella sa kanyang debut film na “Her & Him”. Makakatanggap na siya ng award sa susunod na buwan para sa 2nd Annual Pornhub Awards Show.

Ang kanyang unang pelikulang idinirek ay ginampanan ng mga porn star na sina Abella Danger at Small Hands. Ang istorya ay umiikot tungkol sa lalaking nakatanggap ng sorpresang text message sa cellphone ng kanyang girlfriend na kalaunan ay nauwi sa pagtatalik.

Makukuha ni Bella ang Vision award bilang parte ng Pornhub’s Visionaries Director’s Series. Ang kanyang adult film ay nag-debut nitong taon sa Oldenburg Film Festival sa Germany. (Ronaline Avecilla)