Huhusgahan na mamayang gabi ang Belladonnas sa back to back concert nila ng Clique V na “This Is Me.” Gaganapin ito sa SM North Edsa, Skydome, 7:30 PM.

Handa na ang pasa­bog nila sa concert kasama sina Arron Villaflor, Jak Roberto, Sanya Lopez, Hashtag CK at Ana Ramsey.

Nakapanayam sa “Tambayan ng Tsika Tonite,” online show ng Abante TONITE ang nasabing female sing and dance group. Hindi lang sila palaban sa kantahan, sayawan kundi pati sa mga seksing katanungan.

Xie, what is the sexiest part of the man’s body?

“Siguro para sa akin ‘yung tiyan. Parang kasi syempre kapag mag­huhubad ng damit ganun,” pakli niya.

Jazzy ano ang paborito mong paraan para akitin ang opposite sex?

“Actually ang napapansin ko talaga napa­patingin sila sa may Lips talaga. So i would use it na parang,” tugon niya.
Phoebe, what is your biggest turn-on?

“Abs, parang ang lakas ng dating, ng sex appeal niya,”sagot ng dalaga.

Quinn, Have you ever kiss someone of the same sex.

“Meron po pero accident. Kasi lasing siya tapos ang kulit niya, hinalikan niya ako,” pagtatapat niya.

Ang Belladonnas ay hawak ng 3:16 Events & Talent Management ni Ma’am Len Carillo. Ito’y binubuo nina Quinn, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie at Tine.